Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katotohanan at dignidad ng bayan, iginiit ni Cardinal David sa usapin ng WPS

SHARE THE TRUTH

 11,608 total views

Binigyang diin ni dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang usapin ng soberenya sa nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea ay hindi lamang usaping pampulitika kundi isang malalim na usaping moral at pastoral.

Sa ibinahaging mensahe ng Obispo sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page na pinamagatang “David and Goliath” ay muling nagpahayag ng paninindigan si Cardinal David para sa katotohanan at dignidad ng bayan.

Pagbabahagi ng Cardinal, sa kabila ng kanyang misyon sa iba’t ibang bansa sa mga nakalipas na linggo mula Rome, Belguim at Jakarta, Indonesia at patuloy niyang sinusubaybayan ang mga pangyayari kaugnay ng sitwasyon sa West Philippine Sea.

“While abroad the past two weeks—Rome, Belgium, and Jakarta—I continued to follow the news on the West Philippine Sea,” Ayon kay Cardinal David.

Partikular na pinasalamatan ni Cardinal David ang paninindigan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pagkilala kay Commodore Jay Tarriela sa pamamagitan ng makapangyarihang liham nito na nagbibigay pugay sa tapang at determinasyon ng opisyal na ipagtanggol ang karagatang saklaw ng bansa.

“I wish to affirm and thank Archbishop Socrates B. Villegas for his powerful letter commending Commodore Jay Tarriela for his principled and courageous defense of our maritime zones,” Dagdag pa ni Cardinal David.

Binigyang-diin ng Cardinal na ang usapin ng soberenya ay higit pa sa usaping diplomasya at pampulitika sapagkat direktang nakataya at apektado nito ang kabuhayan at kaligtasan ng mamamayang Pilipino, lalo na ng mga mangingisda sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“This is not only a political issue—it is profoundly moral and pastoral, because the livelihood and safety of our people, especially our fisherfolk, are at stake,” Ayon pa kay Cardinal David.

Pinuri rin ni Cardinal David ang paninindigan ng 15 senador na lumagda sa isang resolusyon ng Senado bilang pagtutol sa patuloy na pananakot at pagpupumilit ng China na angkinin ang karagatang saklaw ng Pilipinas.

“I also commend the 15 Senators who signed a Senate Resolution expressing our nation’s protest against China’s continuing acts of coercion and harassment in our waters,” wika niya.

Samantala, nanawagan rin si Cardinal David para sa pakikibahagi at aktibong partisipasyon ng bayan upang ipaglaban ang soberanya hindi sa pamamagitan ng dahas, kundi sa pagsusulong ng katotohanan, tapang, at malasakit lalo na sa pinakamahinang sektor ng lipunan, alinsunod sa panawagan ng Simbahan na maging tinig ng mga walang boses at maging tagapagtanggol ng buhay at dangal ng sambayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Epal no more

 49,670 total views

 49,670 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 73,196 total views

 73,196 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 90,923 total views

 90,923 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 167,804 total views

 167,804 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 188,704 total views

 188,704 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Program Paghilom nagpapasalamat sa Senado

 33,002 total views

 33,002 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Program Paghilom sa ilalim ng Arnold Janssen Kalinga Foundation sa suporta ng Senado sa pagbubukas ng “Lakbay

Read More »
Scroll to Top