Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kauna-unahang Bamboo church sa Bohol, ilulunsad ng Diocese ng Tagbilaran

SHARE THE TRUTH

 26,808 total views

Inihayag ng Diocese of Tagbilaran ang planong pagtatayo ng kauna-unahang bamboo church sa lalawigan ng Bohol na isang proyektong nagtataguyod ng pananampalataya at pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa diyosesis, isinusulong ang proyekto bilang tugon sa lumalaking bilang ng mananampalataya ng St. Vincent Ferrer Chaplaincy sa Barangay Cabawan, Tagbilaran City, kung saan inaasahang makapagtitipon ang itatayong simbahan ng hanggang 1,500 katao.

Tampok sa disenyo ng simbahan ang paggamit ng treated bamboo na isang hakbang na binibigyang-diin ng diyosesis bilang pagpapahalaga sa kalikasan at konkretong pakikiisa ng Simbahan sa adbokasiya ng pangangalaga sa kapaligiran sa gitna ng patuloy na pag-unlad.

“More than a pursuit of distinction, the project seeks to let a local faith community speak to the world, showing how faith, sustainability, and innovation can rise together. What makes this project truly extraordinary is its vision to stand as a landmark bamboo church,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Bukod sa pagsagot sa pangangailangang pastoral, nagsisilbi rin ang proyekto bilang paghahanda ng pamayanan bago ang inaasahang pag-angat ng chaplaincy bilang ganap na parokya.

Ang inisyatiba ay pinangungunahan ng St. Vincent Ferrer Chaplaincy sa ilalim ng Diocese of Tagbilaran, idinisenyo ng arkitektong si Erven Digal, at sinusuportahan ng United Bohol Bamboo Advocates, Inc.

Plano ring itampok ang proyekto sa pandaigdigang entablado sa pamamagitan ng pagsusumite nito sa Guinness World Records bilang pinakamalaking bamboo structure ng uri nito.

“Plans are being prepared for submission to the Guinness World Records as the largest bamboo structure of its kind,” ayon sa diyosesis.

Itinakda ang pormal na paglulunsad ng proyekto sa January 4, 2026, na sisimulan sa pagdiriwang ng banal na misa sa mismong project site sa Barangay Cabawan.

Hinimok naman ng pamayanan ng Cabawan at ng buong diyosesis ang mga mananampalataya at mga institusyon na suportahan at makibahagi sa pagpapatupad ng proyekto.

Iginiit ng diyosesis na ang itinatayong bamboo church ay hindi lamang isang istruktura kundi isang sama-samang pangarap ng pamayanan na patunay na ang pananampalataya ay maaaring maging daan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sa paglikha ng pamana para sa mga susunod na henerasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 135,433 total views

 135,432 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 152,400 total views

 152,400 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 168,230 total views

 168,230 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 259,350 total views

 259,350 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 277,516 total views

 277,516 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top