Sa kabila ng krisis at katiwalian sa lipunan: “Ito rin ang panahon ng Pag-asa”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,819 total views

Iginiit ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na ang kasalukuyang panahon ng kalituhan at panghihina ng mga institusyon ng pamahalaan ay hindi lamang panahon ng karimlan kundi higit na panahon ng pag-asa para sa sambayanan.

Sa kanyang homiliya sa closing mass ng Jubilee Year celebration ng diyosesis, binigyang-diin ng obispo na sa gitna ng mga isyung panlipunan, kawalan ng katiyakan sa mga imbestigasyon sa malawakang katiwalian sa bansa, at panghihinang nararamdaman sa ilang institusyon ng lipunan, mas lalong hinihikayat ang mamamayan na kumapit sa pag-asang nagmumula sa Diyos.

“Ito yung panahon ng karimlan. Pero ito rin, lalo’t higit, ang panahon ng pag-asa,” ayon kay Bishop Gaa.

Ayon sa obispo, hindi maituturing na tunay na pag-asa ang kasiyahang nakabatay lamang sa personal na tagumpay o sa pagtamo ng ninanais ng tao sapagkat ang ganitong uri ng pag-asa ay nagmumula sa gawa ng tao at hindi sa Diyos.

“Kung tayo ay masasaya dahil nakuha natin ang gusto natin, hindi yan ang pag-asa na nagmumula sa Diyos,” giit ng obispo.

Ipinaliwanag pa ni Bishop Gaa na ang pag-asa mula sa Diyos ay hindi laging malinaw kung paano mangyayari, subalit sa pamamagitan ng pananampalataya, lalo na sa mga panahong wala nang ibang maaasahan ay bukod tanging si Hesus na nagkatawang tao ang tunay na bukal ng pag-asa.

“Ito po yung panahon na wala na tayong pwedeng asahan, kundi ang Diyos,” dagdag pa ni Bishop Gaa.

Kaugnay nito, hinimok ng obispo ang mga mananampalataya na huwag mainip sa paghihintay, kundi gawin itong aktibo sa pamamagitan ng paghahanda ng kalooban sa patuloy na pakikipagtagpo sa Panginoon.

Tinuran ng obispo ang halimbawa ni Ana sa Ebanghelyo na matiyagang naghintay ngunit may malinaw na paghahanda sa kanyang pananampalataya.

Binigyang-diin din ni Bishop Gaa na ang pananampalataya ay bunga ng pagiging tunay na simbahan; isang pamayanang sama-samang naglalakbay at nakikiisa sa mga mahihirap, dukha, at higit na nababalisa sa lipunan.

“Hindi po tayo nag-iisa. Magkakasama po tayo. Pero higit diyan, kasama natin ang Diyos,” ayon pa kay Bishop Gaa.

Sa kabila ng pormal na pagtatapos ng Jubilee Year of Hope, iginiit ni Bishop Gaa na nagpapatuloy ang diwa ng pag-asa sa puso ng bawat mananampalataya, lalo na sa panahong higit na kailangan ang liwanag ng Diyos sa gitna ng dilim ng mga karanasang kinakaharap ng tao.

Apela ng obispo sa nasasakupan na ipagpatuloy ang diwa ng simbahang sinodal sa paglingap sa mga higit nangangailangan at maging instrumento ng pag-asa para sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 9,850 total views

 9,850 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 33,009 total views

 33,009 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 54,284 total views

 54,284 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 226,271 total views

 226,271 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top