Kawalan ng drainage system, sanhi ng flash flood at mudslide sa Ifugao-Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,256 total reads

Ipinapanalangin ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc ang kaligtasan ng mga pamilyang nasalanta ng malawakang pagbaha sa Ifugao Province.

Ayon kay Bishop Dimoc, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples, ang nangyaring pagbaha sa bahagi ng Banaue, Ifugao ay dahil sa mga nakatayong bahay sa mismong natural na dinadaluyan ng tubig patungo sa ilog.

Ipinaliwanag ng Obispo na naharangan na ng mga bahay ang dapat na daluyan ng tubig kaya nitong umulan dulot ng habagat ay sa mga kalsada na dumaan ang naipong tubig na naging sanhi ng flashflood at mudslide.

“Wala naman kasing sufficient na daluyan ng tubig kaya ganun ‘yung nangyari. Pumupunta na sa mga bahay ‘yung tubig mula sa bundok. Lahat ng gilid ng kalsada, walang daluyan ng tubig kaya naiipon ‘yung tubig. Nagiging drainage kanal na ‘yung kalsada,” ayon kay Bishop Dimoc sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan naman ni Bishop Dimoc sa mga kinauukulan na ipatupad ang pagkakaroon nang maayos na drainage system sa mga pamayanan nang sa gayon ay maayos na makadaloy ang mga tubig mula sa bundok patungo sa ilog.

Gayundin ang paghimok sa mga residente na iwasan na’ng magtayo ng mga istruktura tulad ng mga bahay sa mga mapanganib na bahagi upang maiwasan ang maidudulot na abala at pinsala sa kalikasan.

“Doon sa Banaue, alam na rin nila ang gagawin nila. Will they really continue to force people to provide the space for drainage system? Kung hindi, it will repeat itself,” saad ng Obispo.

Patuloy naman ang isinasagawang ocular visit at assessment ni Bontoc-Lagawe Social Action Director Fr. Apol Dulawan, MJ upang matukoy ang kalagayan at pangangailangan ng mga pamilyang naaapektuhan ng pagbaha.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 500 pamilya o 1500 indibidwal ang mga nagsilikas kasunod nang naganap na sakuna.

Nitong Huwebes nang magsimula ang malawakang pagbaha at mudslide sa bahagi ng Ifugao Province partikular na sa bayan ng Banaue dulot ng malakas na pag-uulang sanhi ng hanging habagat.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,204 total reads

 3,204 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 13,975 total reads

 13,975 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 54,535 total reads

 54,535 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 81,839 total reads

 81,839 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 130,104 total reads

 130,104 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 151,580 total reads

 151,580 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,498 total reads

 128,498 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top