Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kawalang pakialam sa kamalian, nagpapalala sa kasamaan

SHARE THE TRUTH

 209 total views

Nagpahayag ng pasasalamat si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pagdalo at pakikibahagi ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa paghahanda para sa Kapistahan ni San Roque na patron ng diyosesis.

Ayon sa Obispo, kasalukuyang Vice-president ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), hamon para sa mananamapalataya ang tinukoy ni Archbishop Caccia na mahalagang salik sa kawalan ng katarungan at kaayusan sa lipunan ang pagsasawalang bahala ng mamamayan na makibahagi sa mga usaping panlipunan.

Pagbabahagi ni Bishop David, nakabibigla ang pagbibigay diin ng Archbishop Caccia sa malaking epekto sa lipunan ng pagsasawalang bahala ng bawat isa sa mga nagaganap sa lipunan na dahilan para lumala ang sitwasyon at pangkabuuang kalagayan ng bayan.

“I was really surprised when you mentioned that the more important plague that is afflicting society is the plague of indifference. That was really a very important challenge that you posed to all of us,” ang bahagi ng pahayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Ipinaabot rin ng Obispo kay Archbishop Caccia ang pasasalamat sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pagsisilbing inspirasyon sa diyosesis upang ipamalas maging sa labas ng mga Simbahan ang pag-ibig, awa at habag ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga mission stations upang maipadama lalu na sa mga mahihirap na komunidad sa Caloocan, Malabon at Navotas na nasasakupan ng diyosesis ang presensya ng Panginoon.

Katuwang ang mga religious partners ng diyosesis ng Kalookan ay una ng naibahagi ni Bishop David ang planong makapagpatayo ng 25 mission stations sa buong diyosesis.

“Because you represent the Holy Father Pope Francis, please tell him that he has given us so much inspiration here in the Diocese of Kalookan because his challenge to go out to the peripheries of society has been the main thrust of our Pastoral priorities in the Diocese. It is for that reason that we have been opening mission centers headed by different religious partners who are willing to live with the poorest of the poor in the slum communities of Caloocan, Malabon and Navotas and they are also here this evening with us,” dagdag pa ni Bishop David.

Pinangunahan ni Archbishop Caccia ang Misa para ika-4 na araw ng Novena para sa Kapistahan ni San Roque na patron ng Diyosesis ng Kalookan sa San Roque Cathedral katuwang ang mga pari ng diyosesis sa pangunguna ni Bishop David at Diocese of Kalookan Vicar General Fr. Jerome Cruz.

Bago ang pagdiriwang ng Misa ay nagkaroon rin ng pagkakataon sina Archbishop Caccia at Bishop David na makapag-usap ng pribado.

Si Bishop David ang isa sa apat na Obispo na kabilang sa 36 na mga personalidad na sinampahan ng kasong sedisyon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group kaugnay sa planong destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Nakatakda namang magsagawa ng Solidary Mass ang diyosesis sa ika-15 ng Agosto para sa mga Obispo at Paring kabilang sa mga pinararatangan ng pakikipagsabwatan sa oposisyon laban sa kasalukuyang administrasyon kung saan inaanyayahan ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagtitipon.

Isasagawa ang Solidarity Mass sa San Roque Catheral ganap na alas-9 ng umaga kasabay ng Feast of the Assumption na bisperas ng Kapistahan ni San Roque na patron ng diyosesis.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 5,234 total views

 5,234 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,989 total views

 10,989 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 18,252 total views

 18,252 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 26,237 total views

 26,237 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,772 total views

 33,772 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 5,766 total views

 5,766 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 11,597 total views

 11,597 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 12,728 total views

 12,728 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

 9,600 total views

 9,600 total views Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi

Read More »
photo source: Roman Catholic Diocese of Novaliches
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SCAD, ilulunsad sa Diocese of Novaliches

 16,343 total views

 16,343 total views Opisyal na ilulunsad Super Coalition Against Divorce (SCAD) na binubuo ng iba’t ibang mga grupo at institusyon ng Simbahan laban sa isinusulong na diborsyo sa Pilipinas. Halos isang buwan mula ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong ika-22 ng Mayo, 2024 ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill ay nagkaisa ang

Read More »
Photo Source: St. Nicholas Of Tolentine Parish Cathedral / Historic Cabanatuan Cathedral
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

National Historical marker, iginawad sa Cabanatuan cathedral

 15,020 total views

 15,020 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o mas kilala bilang Cabanatuan Cathedral sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa Cabanatuan Cathedral kung saan ang kumbento ng Simbahan ay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Namayapang biking Priest, hinahangaan ng CBCP President

 14,596 total views

 14,596 total views Nagpahayag ng paghanga at pagkilala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa naging makabuluhang buhay at adbokasiya ng namayapang si Redemptorist Father Amado “Picx” Picardal, CSsR. Sa Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas ni Bishop David ay ibinahagi ng Obispo ang pakikidalamhati at pakikibahagi sa paghahatid

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese ng Malolos, naglabas ng pahayag laban sa Absolute Divorce Act

 15,324 total views

 15,324 total views Naglabas ng opisyal na pahayag ang Diyosesis ng Malolos patungkol sa panukalang batas na nagpapahintulot ng Absolute Divorce sa bansa. Sa pahayag ng diyosesis na may titulong ‘Pananagutan ang Pagmamahal’ ay binigyang diin ng Diyosesis ng Malolos na pinangangasiwaan ni Bishop Dennis Villarojo na mahalagang muling pagnilayan at suriin ang pagsasabatas ng diborsyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 27,570 total views

 27,570 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 27,922 total views

 27,922 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

 28,447 total views

 28,447 total views Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 32,097 total views

 32,097 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 31,647 total views

 31,647 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 33,220 total views

 33,220 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 35,254 total views

 35,254 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top