Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kilatisin ang mga nais maging lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

 314 total views

Mga Kapanalig, ngayong nalaman na natin ang mga taong nais maging lider ng ating bansa—kabilang ang mga tatakbo sa pagkapangulo—nasa ating mga mamamayan na ang bola, ‘ika nga. Ito na ang panahon upang kilatisin ang pagkatao, kakayanan, at mga pinaninindigan ng mga gustong makakuha ng ating sagradong boto.

Ngunit kung si Pangulong Duterte ang tatanungin, huwag daw tayong “kumuha ng bright” o mga “brilliant” na lider. Mas mabuti raw ang “ordinary-minded” na mga kandidato. Dahil hindi naman buo ang diwa ng mga sinasabi ng ating presidente, hindi natin alam kung ano ang ibig sabihin niya ng “ordinary-minded”. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit hindi natin dapat piliin sa balota ang mga “bright” at “brilliant”.

Bagamat binibigyan ng ating Saligang Batas ng pagkakataon ang lahat ng Pilipinong tumakbo sa halalan—basta’t pasok sa tinatawag na age and residency requirements—alam naman nating hindi basta-basta ang pangangasiwa ng buong bansa, kabilang ang paggawa ng mga batas at pagpapatupad ng mga programa gamit ang pera ng bayan. Kaya maaaring kulang pa ang pagiging “ordinary-minded” upang mahusay na magampanan ang mga tungkuling nakaatang sa ating mga lider. Samantala, hindi rin naman automatic na ang mga bright at brilliant ay magiging epektibong pinuno ng bansa. Kung ang pinatutungkulan ng mga salitang ito ay ang mga nakapag-aral, magaling magsalita, o titulado, aba’y may mga ganitong pulitikong magaling ding baluktutin ang batas at gumawa ng katiwalian.

Sa isang homilya noong 2013, may inialok na gabay si Pope Francis upang kilatisin ang mga taong naglilingkod sa pamahalaan. Humility (o kapakumbabaan) at love (o pag-ibig) ang mga pangunahing katangiang mainam daw na hanapin ng mga mamamayan sa kanilang mga lider. Aniya, dapat tanungin ng bawat taong nais manungkulan sa pamahalaan ang kanilang sarili ng dalawang tanong: “Do I love my people in order to serve them better? Am I humble and do I listen to everybody, to diverse opinions in order to choose the best path?” Sa Filipino, minamahal ko ba ang mga tao nang sa gayon ay mas mabuti ko silang mapaglingkuran? Handa ba akong makinig sa lahat at sa iba’t ibang pananaw nang sa gayon ay mapili ko ang pinamamabuting landas para sa bayan?

Ang tunay na kababaang-loob at pag-ibig sa mga pinaglilingkuran ay hindi maididikta ng pagiging ordinary-minded o ng pagiging brilliant. Ngunit kung dadagdagan natin ang mga binanggit ni Pope Francis, ang ganitong mga katangian ay dapat hinahanap sa mga salita at gawa ng mga nais maging lider ng ating bayan.

Patunay ba ng kapakumbabaan ang pagtingin sa sarili bilang tanging tagapagbigay ng solusyon sa ating mga problema? Kababaang-loob ba ang pag-angkin sa mga proyektong dapat lamang nilang isakatuparan gamit ang pera ng mamamayan?

Pag-ibig ba ang pagkiling sa karahasan at pagpatay? Pag-ibig ba ang pagpapalaganap ng kasinungalingan at pagtakbo sa pananagutuan? Pag-ibig ba ang pagsamantalahan ang kahirapan at kahinaan ng mga tao upang magkaroon ng kapangyarihan?

Kung may isang tamang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang lingguhang Talk to the People, ito ay ang kanyang pahayag na “it’s time for a new set of leaders.” Tama, panahon na upang magkaroon tayo ng bagong mga pinuno. Ngunit tawagin natin silang mga lingkod-bayan—mga lingkod-bayang kinikilala ang dignidad ng buhay ng tao lalo na ng mga mahihina; mga lingkod-bayang hindi balat-sibuyas at natututo sa mga puna; mga lingkod-bayang ipinapagtanggol ang totoo, tuwid, at tama.

Mga Kapanalig, paalala nga sa 1 Timoteo 2:2, “Idalangin rin ninyo ang mga maykapangyarihan, upang tayo’y makapamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Diyos at marangal.” Humingi rin tayo ng tulong sa Panginoon upang mapili natin ang mga pinunong tunay na maglilingkod sa mga Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 14,297 total views

 14,297 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 28,357 total views

 28,357 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 46,928 total views

 46,928 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 71,859 total views

 71,859 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 14,298 total views

 14,298 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 28,358 total views

 28,358 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 46,929 total views

 46,929 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 71,860 total views

 71,860 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,410 total views

 70,410 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,108 total views

 94,108 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 102,820 total views

 102,820 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,451 total views

 106,451 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,007 total views

 109,007 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567