Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 282 total views

Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, naging maingay ang balita tungkol sa pag-apruba ng pamahalaan sa pagpapatayo ng Pasig River Expressway (o PAREX).

Tama po ang narinig ninyo: maglalagay ng expressway sa ibabaw ng Ilog Pasig, ang pangunahing daluyan ng tubig sa Metro Manila. Nagkakahalaga ang proyekto ng 95 bilyong piso, at ipatatayo at popondohan ito ng San Miguel Corporation. Hindi bababa sa 19 na kilometro ang haba ng PAREX, na magkokonekta sa mga lungsod ng Maynila at Pasig. Gaya ng anumang imprastrakturang katulad ng mga expressway, iginigiit ng mga nagsusulong ng PAREX na solusyon ito sa malala pa ring problema natin sa trapiko. Lilinisin din daw nito ang naghihingalo nang ilog.

Mabilis namang umalma ang maraming grupong nakikitang banta ang ganitong proyekto hindi lamang sa kalikasan kundi pati sa tinatawag na heritage preservation. Ang grupong Move As One Coalition ay matagal nang naglabas ng isang petisyon upang hindi ituloy ang PAREX. Dahil highway ang proyekto, mas maeengganyo raw nito ang paggamit ng mga sasakyan, na magdadagdag ng polusyon sa hangin. Kaugnay nito, ang mas makikinabang lamang daw sa proyekto ay ang mga may sariling sasakyan. At dahil sa tone-toneladang konkretong gagamitin para sa PAREX, sisipsip ito ng init mula sa araw, na magbubunga naman ng tinatawag na urban heat island effect o pag-ipon ng init sa ating lungsod. Dagdag pa ng koalisyon, sa ibang bansa nga raw, kabaligtaran ang ginagawa: ginigiba ang malalaking imprastraktura sa gilid ng mga ilog upang bigyang-prayoridad ang panunumbalik ng kalikasan at mga lugar na pinahahalagahan natin ang kasaysayan o mga heritage sites. Para sa Move As One Coalition, mas malaki ang pinsala kaysa sa pakinabang na dala ang PAREX. Giit nila, problema ang PAREX, hindi solusyon.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis na malaki ang ugnayan ng ating dignidad at ng ating kapaligiran. Kasabay ng paglaki at paglawak ng mga masisikip at nakasusulasok na lungsod, nagiging unhealthy o hindi na malusog ang mamuhay sa mga ito. Hindi ito mabuti sa ating dignidad. Sabi pa ng Santo Papa, ang tao ay hindi nilikha upang malunod sa semento, aspalto, at bakal. Hindi tayo dapat napagkakaitan ng pisikal na ugnayan sa kalikasan—sa mga puno, halaman, malinis na hangin, at mga anyong-tubig katulad ng ilog, kahit pa nasa lungsod tayo.

Kung may nakatayong konkretong highway sa ibabaw ng Ilog Pasig, posible ba ang ugnayang binabanggit ni Pope Francis?

Binibigyang-diin pa sa Laudato Si’ na kasama sa pagtatatag ng tinatawag na habitable city o isang lungsod na mapapanahanan ang pangangalaga sa kasaysayan at kulturang nakapaloob sa isang lugar. Samakatuwid, ang pangangalaga sa ekolohiya ng isang lugar ay hindi lamang nakatuon sa mga buháy na bahagi nito kundi pati sa kayamanang kultural na dala-dala nito mula sa mga nagdaang panahon.

Kung tatakpan ng expressway ang malaking bahagi ng Ilog Pasig, mananatili ba sa ating alaala ang papel na ginampanan nito sa ating kasaysayan at sa pag-usbong ng mga lungsod na nakasalalay dito?

Isang napakalaking konkretong gubat ang Metro Manila, ngunit tila ba hindi pa kontento ang malalaking negosyo hangga’t hindi nila natatabunan ng semento at mapagkakakitaan ang mga natitirang espasyo rito. Sabi nga sa Mga Awit 24:1, “ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari’y si Yahweh na ating Panginoon” ngunit ang ating ugnayan sa kalikasan at ang responsibilidad na iniatang sa atin upang pangasiwaan ito ay sinisira ng kasalanan ng kasakiman.

Mga Kapanalig, hindi lamang mga malalaking imprastraktura ang tanda ng kaunlaran ng isang bayan. Ang tunay na kaunlaran ay dapat na para sa lahat—walang naiiwanan, walang napipinsala kahit pa ang kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 29,244 total views

 29,244 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 43,304 total views

 43,304 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 61,875 total views

 61,875 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 86,518 total views

 86,518 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 29,245 total views

 29,245 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 43,305 total views

 43,305 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 61,876 total views

 61,876 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 86,519 total views

 86,519 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 72,381 total views

 72,381 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 96,079 total views

 96,079 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 104,791 total views

 104,791 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 108,422 total views

 108,422 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 110,978 total views

 110,978 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567