Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 52,229 total views

Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

May mga pagsusuri na nga na nagsasabi na ang ating bansa na nga ang isa sa may pinakamataas na halaga ng kuryente sa ASEAN, sunod sa Singapore na first world country at mas malaki ang kita ng mga mamamayan at manggagawa kaysa sa atin. Ito nga ang isa sa mga anggulo kapanalig, na dapat din nating tingnan. Hindi lamang presyo ng kuryente ang dapat nating tutukan kundi ang porsyento ng ating kabuuang kita na nilalaan natin para makabayad lang ng kuryente.

May mga pag-aaral na nagsasabi na maski sa minimum wage natin ngayon ay hindi makasurvive ang karaniwang pamilya na may limang miyembro. Umaabot lamang ito ng mahigit kumulang P12,400 kada buwan sa Metro Manila. Kung susuruin, kulang pa ang halaga na ito para sa masustansyang pagkain ng isang pamilya kada buwan. Paano pa kaya makakabayad sa transportasyon, edukasyon, tubig, kuryente, at renta? Kung ang karaniwang halaga ng kuryente ng maralitang pamilyang Filipino ay mga P1,000 hanggang P2,000, ang laking bawas na ito sa kabuuang kita ng pamilya – halos pang-pagkain na lamang ang matitira. Sa Metro Manila pa lang po yan, kapanalig. Sa probinsiya, mas mataas pa minsan ang halaga ng kuryente. At doon, kung nasaan ang mga magsasaka at mangingisda na siyang pinakamahirap sa ating bayan, said na ang bulsa.

Kapanalig, ang kuryente ay napakahalaga para sa lahat. Lahat ng gawain natin ay powered ng kuryente, kahit saan man tayo ngayon. Hindi lamang ito para sa liwanag gaya ng dati – ngayon ito na halos ang engine ng paglago nating lahat. Ang gamit natin sa trabaho, mula sa sasakyan hanggang sa mga gadgets, kuryente na ang tumutulak. Kung hindi tayo makakabayad dito, o mamimili pa – gutom o kuryente?  – napa-miserable kapanalig ng buhay Filipino. Asan ang katarungan dito?

Kapanalig, ito ang ehemplo ng tinuturo sa atin ang panlipunang turo ng Simbahan, partikular mula sa Economic Justice for All – ang litmus test ng kawalan o presensya ng katarungan sa isang lipunan ay kung paano ito tumutugon sa mga pangangailangan ng pinakamahirap na miyembro nito. Kung hihimayin kung saan napupunta ang kita ng maralita sa ating bayan, at ang trajectory ng kanilang kinabukasan base sa kahirapang nadarama nila ngayon, lahat ng kita, napupunta lang sa mga bayarin gaya ng kuryente. Walang katarungang nalalasap, o ginhawa man lamang na maasahan, ang nakakarami nating kapwang nasa laylayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 17,164 total views

 17,164 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 31,224 total views

 31,224 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,795 total views

 49,795 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,563 total views

 74,563 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 17,165 total views

 17,165 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 31,225 total views

 31,225 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,796 total views

 49,796 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,564 total views

 74,564 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,665 total views

 70,665 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,363 total views

 94,363 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 103,075 total views

 103,075 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,706 total views

 106,706 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,262 total views

 109,262 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567