Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Labanan ang fake news

SHARE THE TRUTH

 1,673 total views

Hinikayat ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang katotohanan laban sa mga maling impormasyon.

Ito ang paalala ng Obispo kasabay na rin ng pagdiriwang ng Pentecost sa araw ng Linggo ika-4 ng Hunyo, 2017.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na kasabay ng pagsilang ng Simbahan ay tinanggap natin mula kay Hesus ang pangako ng katotohanan at ang katapangan para ipagtanggol ito sa lahat ng oras lalo na sa mga pang-aabuso, katiwalian at pagyuyurak sa karapatang pantao.

Inihalimbawa ng Obispo ang mga fake news na ang iba ay mula pa sa ahensiya ng gobyerno (Philippine News Agency o PNA) at trolls na nagpapakalat ng maling balita para lamang sirain ang kapwa.

“Kanya tandaan natin na tayong nagdiriwang ng pagdating ng Espiritu Santo, tandaan natin na ang tinanggap natin ay ang espiritu ng katotohanan, dahil dito dapat nating ipaglaban ang katotohanan. At paano kakalabanin, sa pagsasabi ng totoo at pagtutuwid ng hindi tamang mga balita, di tamang mga pahayag, mga claims na ginagawa ng tao,” ayon kay Bishop Bacani.

Dagdag pa ng Obispo: “Ang espiritung ito ay spirit of boldness o tapang na madalas na nawawala sa mga tao dahil sa kaduwagang magsalita laban katiwalian, laban sa kamalian, laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Dapat po, tulad ng mga apostol, matapang tayo, malakas ang loob para sa ganun ay ipagtanggol ang totoo at tama lalo na kung niyuyurakan ito at ang karapatan ng mga tao.” paliwanag ni Bishop Bacani.

Sa isang pahayag ni Borongan Bishop Crispin Varquez sa ginanap na 5th regional youth day, hinikayat nito ang mga kabataan na labanan ang mga ‘fake news’ sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga mabubuting kuwento na nagpapakita ng habag.

Iginiit nito na maaring magamit ang social media sa pagpapakalat ng katotohanan at pakikipag-isa lalo’t marami ang gutom at nangangailangan ng salita ng Diyos.

Ang Pilipinas ay ikalawa sa pinakamaraming gumagamit ng internet sa buong South East Asia na may 44.2 million, at 94 percent sa mga ito ay may social media, ayon sa pag-aaral ng Asia Digital Marketing Association (ADMA) noong 2015.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,426 total views

 10,426 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,386 total views

 24,386 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,538 total views

 41,538 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 91,968 total views

 91,968 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 107,888 total views

 107,888 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 8,034 total views

 8,034 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 27,368 total views

 27,368 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top