Labor groups, nanawagan ng suporta para sa ILO-HLTM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,917 total reads

Nananawagan ng suporta ang mga labor advocates sa isasagawang International Labor Organization High Level Tripartite Mission (ILO-HLTM) sa Pilipinas sa January 23 hanggang 27.

Ayon kay Atty Sonny Matula – Pangulo ng Federations of Free Workers (FFW), layon ng ILO-HLTM na tulungan ang mga manggagawang pinaslang o nakatanggap ng paniniil na makamit ang katarungan.

Umaasa din ang F-F-WK na makakamit na ng sektor ng manggagawa ang mga ipinanawagan na pagtataas ng suwedo at kalayaan sa pagtataguyod ng mga labor unions at organizations.

“Yung mga nangyayari sa Pilipinas sa kasalukuyan ay hindi maaring ihiwalay sa ating mga relasyon sa ibang bansa lalung-lalu na tayo po ay kasapi sa mga international organizations na katulad ng International Labour Organization, United Nations at iba pa, Kaya po dapat yung ating mga tao sa gobyerno ay sumunod doon sa ating mga commitments, sa international agreements, sa mga international conventions,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Atty.Matula.

Paanyaya naman ni Rochelle Porras – Executive Director ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa mga manggagawa at mamamayan ang pakikiisa sa mga programang ihahanda ng labor groups sa pagdaraos ng ILO-HLTM sa bansa.

Ito ay upang mapalalim ang kanilang kaalaman sa paniniil at extra judicial killings na nararanasan ng mga labor leaders at members.

Ang High Level Tripartite Mission ay imbestigasyon ng International Labor Organization sa mga karahasan at pagpaslang sa hanay ng mga manggagawa.

Batay sa datos ng EILER at FFW, aabot sa mahigit 60-labor leaders at member ang pinaslang sa pagitan ng ng 2016 hanggang sa kasalukuyan.

“Justice delayed is justice denied so inabot ng ilang taon at yung proseso, ang pinapanawagan natin ngayon ay pakinggan yung mga recommendations mula doon sa mga cases, sa paparating na investigations hahantong kasi yan sa pagbubuo ng mga recommendations”.pahayag ni Porras sa Radio Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 3,680 total reads

 3,680 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 76,760 total reads

 76,760 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 163,259 total reads

 163,259 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 206,294 total reads

 206,294 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 255,884 total reads

 255,884 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top