Libu-libong Palaweños, nag-rally kontra corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,037 total reads

Umabot sa humigit kumulang 4-na-libong Palaweños ang nakibahagi sa inorganisang Prayer and Indignation Rally ng si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa bilang pakikiisa sa pagkundina sa laganap na katiwalian sa pamahalaan at lipunan.

Pinangunahan ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang lokal pagsasagawa ng “Pagpapahayag ng Pagkadismaya: Itigil ang Korapsyon!” Prayer and Indignation Rally ng bikaryato na dinaluhan rin ng iba’t ibang mga grupo at organisasyon sa Puerto Prinsesa.

Bahagi ng mensahe ni Bishop Mesiona sa naganap na pagkilos ang pagpapaigting sa kultura ng katapatan sa bansa kasabay ng paglaban sa katiwalian at anumang uri ng pandaraya at pagtatraydor sa lipunan upang tuwinang manaig ang katotohan at katarungan sa bayan.

“Bilang mamamamyan ng Lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan, at bilang sambayanang nananampalataya sa Diyos ay aming ipinahahayag ang aming mariin na pagtutol partikular na sa sistema ng korapsyon. Batid nating lahat na ito ay napakatagal ng salot na patuloy sa ating bansa at sa ating pamumuhay. Ang korapsyon ay pagtraydor sa bayan at ito ay napakalaking kasalanan sa Diyos.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Mesiona.

Ayon sa Obispo na mahalagang magsama-sama ang lahat sa pananalangin at pagkundina sa patuloy na pagnanakaw sa kaban ng bayan na isang moral na kasalanan hindi lamang sa batas ng tao kundi maging sa batas ng Diyos.

“Mariin natin ipinanawagan itigil, itigil na ang korapsyon, sama-sama nating ipanawagan sa mga sangkot sa pagnanakaw sa gobyerno na magbalik loob at suriin ang bulong ng konsensya, piliin ang matuwid na pagpapasya at ang malinis na pamamalakad.” Dagdag pa ni Bishop Mesiona.

Giit ni Bishop Mesiona, bilang bayan ng Diyos ay inaanyayahan ang lahat na tuwinang maging tapat sa pamamagitan ng pagiging tinig ng katotohanan at paninindigan mula sa anumang mali na nagaganap sa lipunan.

Paalala ng Obispo, “Bilang bayan ng Diyos, tayo man ay hinahamon na manguna na maging tapat. Maging tinig nawa ng katotohanan ang bawat isa. Huwag mananahimik sa harap ng katiwalian. Hikayatin ang lahat na huwag maging bulag, bingi, o pipi sa harap ng mali. Alalahanin natin na ang pananahimik ay isang anyo ng pakikiisa sa kasalanan.”

Naganap ang Prayer and Indignation Rally na lokal na pagkilos ng bikaryato laban sa katiwalian sa lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 2025 sa Seminario de San Jose grounds na layuning maipakita ang pagkundina ng mga Palaweños sa patuloy na sistema ng katiwalian na nagaganap sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,162 total reads

 56,162 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,658 total reads

 142,658 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,695 total reads

 185,695 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,454 total reads

 235,454 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 393,991 total reads

 393,991 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top