Localized Traslacion ng Poong Hesus Nazareno, pinaghahandaan ng Quiapo Church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,841 total reads

Unti-unting ibabalik ng Minor Basilica of the Black Nazarene ang ilang gawain sa Traslacion.

Ayon kay Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez muling idadambana sa Quirino Grandstand ang imahe ng Nuestro Padre Jesus Nazareno para mabigyang pagkakataon ang mga deboto sa ‘Pagbibigay Pugay’ sa halip na pahalik.

Gayunpaman sinabi ng pari na muling ipagpapaliban sa 2023 ang taunang prusisyon batay na rin sa napagkasunduan ng basilica at mga kinatawan ng national at local government.

“Pagkatapos ng masusing pag-aaral at sa pakikipag-usap at konsultasyon ng iba’t ibang kinatawan ng national at local government ay minabuti muna naming huwag munang ituloy ang prusisyon dahil ito ay isang potensyal na threat sa ating kalusugan,” pahayag ni Fr. Valdez sa Radio Veritas.

Itatanghal sa Quirino Grandstand ang imahe ng Poong Nazareno mula January 7 hanggang January 9 para may sapat na panahon ang mga deboto na mag-alay ng panalangin.

Ibinahagi ni Fr. Valdez na isasagawa ang misa mayor sa kapistahan ng Poong Nazareno sa Quirino Grandstand sa alas dose ng hatinggabi ng January 9 na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Caardinal Advincula.

Apela ng pari sa mga deboto na dumalo sa novena masses upang maiwasang magsiksikan sa mismong araw ng kapistahan.

“Inaanyayahan po namin ang mga deboto na na tumungo sa Quiapo Church hindi lamang sa mismong araw ng kapistahan sa January 9 kundi sa mga novena masses para iwas sa dagsa ng tao at nang sa gayon manatiling ligtas ang ating kalusugan sa banta ng virus,” giit ni Fr. Valdez.

Muli ring isasagawa ng basilica ang localized traslacion kung saan bibisita ang Nuestro Padre Jesus Nazareno sa iba’t ibang simbahan sa Luzon at National Capital Region.

Sinabi ng pari na kasalukuyang inaayos ng basilica ang schedule at mga lugar na dadalawin ng poon bilang hakbang na mabawasan ang posibleng dami ng deboto na magtutungo sa Quiapo Chruch sa araw ng kapistahan.

Ito na ang ikatlong taon na ipagpaliban ang tradisyunal na prusisyon ng Traslacion mula nang lumaganap ang pandemya sa Pilipinas noong Marso 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 9,192 total reads

 9,192 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 40,465 total reads

 40,465 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 119,942 total reads

 119,942 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 214,168 total reads

 214,168 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 274,361 total reads

 274,361 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 38,340 total reads

 38,340 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top