Lokal na Trillion Peso March, isasagawa ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,836 total views

Magsasagawa ng lokal na bersyon ng Trillion Peso March ang Arkidiyosesis ng Caceres bilang pakikiisa ng mga Bicolano sa pambansang panawagan laban sa sistematikong korapsyon at para sa mabuting pamamahala sa bansa.

Inihayag sa Radyo Veritas ni Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) Vice President Rev. Fr. Wilmer Joseph Tria na siya ring head ng Caceres Archdiocesan Cluster for Education, ang pagsasagawa ng kilos-protesta na sagisag ng pakikiisa ng mga Bicolano sa tinig ng mamamayang Pilipino laban sa katiwalian sa kaban ng bayan at sa malawak na epekto na dulot ng kultura ng kawalan ng pananagutan o impunity sa bansa.

Ayon kay Fr. Tria, isasagawa ang National Day of Protest and Indignation Against Corruption sa September 25, 2025.

Sinabi ng Pari na magsisimula ang pagkilos sa pamamagitan ng isang Peaceful Protest March ganap na alas-dos ng hapon mula Ateneo de Naga University hanggang Peñafrancia Basilica Minore na susundan ng maikling programa ganap na alas-kwatro ng hapon upang ipahayag ang pakikiisa ng mga Bicolano sa panawagang papanagutin ang lahat ng may kaugnayan sa sistematikong katiwalian sa kaban ng bayan.

Pangungunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pagdiriwang ng banal na misa upang ipanalangin ang pagpapanibago ng mga gahaman sa salapi at kapangyarian na nagnanakaw sa pondo na dapat ay para sa bayan.

Inaanyayahan rin ang lahat ng makikibahagi sa pagkilos at magsuot ng puting damit bilang simbolo ng pagkakaisa at malinis na hangarin para sa katotohanan, katarungan at pagbabago sa bayan.

Batay sa tala ng CLCNT, umabot sa 70,000 ang bilang ng mga nakibahagi sa naganap na Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument noong ika-21 ng Setyembre, 2025 bukod pa sa iba’t ibang mga pagkilos na isinagawa sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa bilang pakikiisa sa National Day of Protest Against Corruption.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 20,259 total views

 20,259 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 48,610 total views

 48,610 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 116,340 total views

 116,340 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 139,491 total views

 139,491 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 208,202 total views

 208,202 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top