VeritasPH

The Word, The Truth

Mabuting ehemplo ni Father Nilo, ipagpatuloy ng kanyang mga deaf scholar

SHARE THE TRUTH

 122 total views

Kasabay nang pagbuhos ng ulan, nag-uumapaw naman ang suporta at pagmamahal ng mga mananampalatayang nakiisa sa pagluluksa at paghahatid sa huling hantungan ng pinaslang na pari ng Diocese ng Cabanatuan na si Fr. Richmond Nilo.

Bukod sa pagiging tagapagtanggol ng pananampalataya, kilala rin si Fr. Nilo sa pagiging matulungin sa mga mahihirap at mga kabataan para makapag-aral.

“Gusto nilang patahimikin si Fr. Nilo, pero nagkamali ang pumatay dahil hindi siya napatahamik, lalung lumakas ang kanyang tinig lalung lumawak ang narating lahat ng kaniyang mabuting salita at gawa ay ngayon ay nasiwalat at lalung tumitingkad,” nagkakaisang pahayag ng Diyosesis ng Cabanatuan.

Labis na pasasalamat naman para kay Fr. Nilo ang ibinihagi ng kaniyang mga parishioners sa mabuting gawa ng pari noong ito ay nabubuhay pa.

“Hindi ko makakalimutan ang ginawa nyang tulong sa pamilya ko. Nung nagkasakit ang anak ko siya ang tumulong para kami ay unti-unting bumangon. Kinupkop nya kami ay binigyan ng muling pag-asa ang aming pamilya,” Anthony Veloso, isang parishioner ng san Vicente Ferrer kung saan kura paroko si Fr. Nilo.

Si Fr. Nilo rin ang nagpasimula ng pagkakaroon ng programa para sa hearing impaired students sa College of Immaculate Concepcion.

Ibinahagi ni Julienne Ocampo kinatawan ng Deaf Community ng Cabanatuan na sa loob ng 9 na taong ay tinulungan siya ni Fr. Nilo at nakapagtapos ng Senior Highschool.

Si Fr. Nilo ay ang kura paroko ng Zaragoza at siya ring kasalukuyang pangulo ng College of Immaculate Conception Cabanatuan na binaril at napatay sa isang kapilya sa Barangay Mayamot, Zaragosa.

Nakapagtapos din ng BS Nursing ang isa ring scholar ni Fr. Nilo na si Jesica Calanega.

Siya ang nagsilbing guardian ko dito sa Nueva Ecija. Bukal sa loob niya ang pagtulong at hindi namimili ng tutulungan,” pagbabahagi naman ni Calanega.

“Kailanman ang isang paring tulad ninyo ay hindi naming malilimutan. Fr. Richmond, kalakip ng aming pamamaalam sa iyo ang pangakong susundan namin ang iyong yapak. Isang pangako na batid namin mahirap sundin ngunit batid namin na kami ay iyong ginagabayan. Nawa’y maging simbolo sa aming kabataan ang iba pang Fr. Richmond,” mensahe mula sa Cabanatuan Diocesan Youth.

Mula sa College of the Immaculate Concepcion chapel-huling ibinurol ang labi ng pari alas-9 ng umaga nang magsimula ang prusisyon ng ‘Nagluluksang Bayan’ patungong kripto ng Cathedral of San Nicolas Tolentine.

Pinangunahan ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang ‘funeral mass’ na dinaluhan din nina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriel Caccia; San Fernando Pampanga Archbishop Florentino Lavarias; Bayombong in-coming Bishop Jose Elmer Mangalinao; Tarlac Bishop Enrique Macaraeg; Baguio Bishop-emeritus Florentino Cinense at Caloocan Bishop-emeritus Teodoro Bacani mga kapatid na pari mula sa diyosesis ng Cabanatuan; mga seminarista at pari mula sa San Carlos Seminary kung saan siya ‘alumnus’.

Huwebes naman ng gabi nang maaresto ng pulisya ang isa sa itinuturong suspek sa pagpaslang kay Fr. Nilo na positibong ituro ng isa sa mga sacristan kung saan binaril at napatay ang pari.

Si Adell Roll Milan ay nahuli sa Barangay Malapit sa San Isidro, Nueva Ecija alas-6:30 ng gabi. Si Milan ang itinuturong bumaril kay Fr. Nilo.

Ayon naman sa tagapagsalita ng diyosesis na si Fr. Joel Jetajobe- hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na kumpirmasyon hinggil sa pagka-aresto ng hinihinalang pumatay kay Fr. Nilo mula sa Provincial Director at tanging sa ulat lamang sa media nalaman ang balita.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,565 total views

 6,565 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,551 total views

 22,551 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,596 total views

 30,596 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,676 total views

 35,676 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,382 total views

 41,382 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 15,418 total views

 15,418 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 21,221 total views

 21,221 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 32,315 total views

 32,315 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 45,786 total views

 45,786 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 43,134 total views

 43,134 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 46,170 total views

 46,170 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 45,553 total views

 45,553 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 55,780 total views

 55,780 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 55,467 total views

 55,467 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Mananampalataya sa mga lugar na sede vacante, hinimok na magdasal at mag-ayuno

 57,000 total views

 57,000 total views Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno para sa biyaya ng pagkakaroon ng obispong mangangasiwa sa mga diyosesis. Ito ang paanyaya ng obispo, lalo na sa mga lugar na walang obispo o sede vacante. “More Bishops will be retiring in a few years. Those in the Dioceses

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sede vacante sa Pilipinas, patuloy na nadadagdagan

 39,790 total views

 39,790 total views Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2. Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman. Ayon naman sa tala ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

 49,303 total views

 49,303 total views Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bishop Lunas ng Pagadian, pumanaw na

 46,256 total views

 46,256 total views Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas. Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation. Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pastoral blessing sa hindi pagkaraniwang sitwasyon, suportado ng CBCP at Cardinal Advincula

 49,767 total views

 49,767 total views Isinapubliko na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang abiso na sumusuporta sa dokumento ng Vatican na nagpapahintulot sa pastoral blessing sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon tulad ng mga same sex couple. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na malinaw ang mensahe ng dokumento kaugnay sa pananatili

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Stewardship, paiigtingin ng Vicariate of Taytay at Puerto Princesa

 53,804 total views

 53,804 total views Matapos ang paggunita at pagdiriwang ng ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan, pinaigting naman ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa ang pagiging mabuting katiwala sa mga biyayang handog ng Panginoon. Simula Agosto ng 2022 hanggang 2023 ng ipagdiwang ng Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top