Mabuting pagninilay ng mamamayan, ipinagdarasal ng Arsobispo ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,541 total reads

Umaasa si Cebu Archbishop Jose Palma na matutuhan ng mamamayan ang mabuting pagninilay sa bawat napapanuod at nababasa lalo na sa online world.

Sa ginanap na Cebu Archdiocesan Media & Social Communications Fair inihayag ng arsobispo ang pagkadismaya sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan kung saan marami ang nabibiktima ng fake news, misinformation at disinformation dahil sa kawalang panahon ng pag-unawa at pagninilay.

Binigyang diin ni Archbishop Palma ang kahalagahan ng pagninilay upang maibahagi ang mga impormasyong makabubuti sa lipunan at tuluyang mawakasan ang paglaganap ng mga maling impormasyon.

“Sometimes, people think that what they read or listen to is the truth in the world, which is not. May we be able to digest and discern everything that we read and see in the context of prayer and how or what it brings to the good of the world,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Aniya bagamat ito ay ibinahagi ng mga kilalang personalidad mahalagang unawain at magsaliksik sa mga katotohanang kaakibat ng mga ibinahaging impormasyon upang matuklasan ang tunay at wastong detalye.

Tinuran din ng arsobispo ang impluwensya ng Artificial Intelligence na kadalasang ginagamit ng mga mapanamantalang indibidwal upang linlangin at lituhin ang tao sa katotohanan.

“More so now with Artificial Intelligence, some almost swallow, hook, line and sinker. But again, Pope Leo says, this is the time for us to be able to discern and in that spirit of discernment, it would help us proclaim the message that brings hope and joy to the community,” dagdag ng arsobispo.

Ang pagtitipon ay pagdiriwang ng Archdiocesan Jubilee for Media and Social Communications kung saan nagtipon ang daan-daang volunteers’ ng social communications ministry ng mga parokya.

Kabilang sa nagbigay ng panayam sa nasabing pagtitipon sina award-winning commercial live broadcast director and country ambassador for Sony Alpha Cameras, Hollyland Wireless Technology, and Nanlite Lighting Nigel Ian Laxamana at Archdiocese Media Liaison Msgr. Joseph Tan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 16,671 total reads

 16,671 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 16,798 total reads

 16,798 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 30,480 total reads

 30,480 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 86,886 total reads

 86,886 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 210,387 total reads

 210,387 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 294,273 total reads

 294,273 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top