362 total views
Ang sukatan ng magandang homiliya ay hindi lang kung napatawa ka, naantig ka, o gumaan ang loob mo—kundi kung pagkatapos mong makinig, may kumurot sa konsensya mo, may apoy na nag-udyok sa ’yo na magbago, magsisi, at muling lumapit sa Diyos; dahil ang Salita Niya ay hindi lang pampagaan ng damdamin, kundi panawagan para sa pagbabago ng buhay.




