Maging daluyan ng pag-asa at pagmamahal sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,817 total reads

Ipinaalala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos at Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya na gamitin ang kuwaresma upang tanggapin ang kaligtasan na handog ng panginoon sa sanlibutan.

Hinihikayat ni Bishop Santos ang mga Pilipino na palalimin ang pananampalataya ngayong kuwaresma na sinimulan sa ash Wednesday.

Ipinapanalangin ng Obispo na gamitin ng mga mananampalataya ang Kuwaresma upang pagnilayan ang relasyon sa kapwa at pamilya upang maayos ang mga hindi pagkakaintindihan at gawing sentro ang Panginoong Hesukristo sa kanilang pagmamahalan.

Umaasa din si Bishop Santos na gamitin ng mga mananampalataya ang pagsasakripisyo at pagtitika sa pagpapabuti ng buhay ng mga mahihirap.

“On this Ash Wednesday, we receive ashes on our foreheads, symbolizing our mortality and the need for repentance. The words spoken, “Remember, you are dust, and to dust, you shall return” (Gen 3:19), echo the call to humility and self-reflection. This is not merely a ritual; it is an invitation to transform our hearts and minds in preparation for the celebration of Christ’s resurrection at Easter, Let us embrace this season of Lent with open hearts, seeking to grow closer to God through prayer, fasting, and acts of charity. In a world that often feels fragmented and divided, let us be a source of hope and love, embodying the compassion and mercy that our faith calls us to live out daily,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Santos Sa Radio Veritas.

Hinihikayat naman ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na gamitin ang kuweresma upang tanggapin ang kaligtasan na handog ng Panginoon sa sanlibutan.

Kasabay ito ng paghahanda sa sarili upang maging pamamagitan ng Panginoon sa higit na pagpapalaganap ng pananampalataya at pagbabasa ng bibliya.

Tinatawagan din ng Obispo ang mga mananampalataya na mag-ayuno upang makiisa sa sakripisyo ng Panginoon matapos ihandog ang Kaniyang bugtong na anak na si Hesus para iligtas sa kasalanan ang sanlibutan.

Ipinapaalala ni Bishop Pabillo na sa pag-aayuno ay iwasan ng mga mananampalataya ang paggamit ng cellphones upang higit na mapalalim ang relasyon sa panginoon, sa kapwa at pamilya.

“Ito po ay ginagawa natin sa pagsasariwa ng ating binyag, gusto po nating mas lalong maisabuhay ang ating binyag, ang ating pagiging anak ng Diyos kaya seryosohin po natin itong panahong ito lalung-lalu na ang panalangin, magbigay tayo ng panahon sa pagdadasal at bahagi po ng ating pagdadasal ay ang pagbabasa ng bibliya At ganundin may mga katangi-tangi tayong panalangin sa panahon ng Kuwaresma katulad po ng pagpapasyon o kaya pagsasagawa ng daan ng krus tapos ito din po ay panahon din ng pagpepenitensya at pag-aayuno, ang pagpigil ng ating sarili upang masupil po ang ating mga makalamang tinig kaya ito po’y kasama diyan ang ating pag-aayuno sa panahon ng Biyernes Santo at Miyerkules Santo yan po ay panahon ng pag-aayuno,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 20,397 total reads

 20,397 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 55,715 total reads

 55,715 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 112,121 total reads

 112,121 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 234,630 total reads

 234,630 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top