“Maging liwanag sa lipunan,”-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 33,609 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging liwanag sa lipunang nababalot ng dilim ng pangamba at kahirapan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa unang araw ng Misa de Gallo na kanyang pinangunahan sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Batid ni Cardinal Advincula ang mamamayang labis ang pinagdadaanan bunsod ng karamdaman, kawalang sapat na pagkakitaan, kagutuman, kahirapan at iba pang hamon ng buhay.

“Maging liwanag sána tayo na nagbibigay ng pag-asa at lakas ng loob sa ating kapwa,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Sinabi ng cardinal nawa’y tulad ni Juan Bautista bawat isa ay maging ningas sa dumidilim na lipunan.

“Sa lipúnang madilim dahil sa walang katarungan, maraming inaapi at pinagsasamantalahan, . . . maraming baluktot na gawain at patakaran, maging liwanag sana tayo sa pagsisikap na mabuhay ng mabuti, makatarúngan, at matuwid,” ani ng cardinal.

Ayon pa kay Cardinal Advincula kahit sa payak na pamamaraan ay maipakita ng tao sa kapwa ang pagmamalasakit tulad ng pagkilala, pagpapalakas ng loob at pagngiti ay mapagniningas ang diwa upang magkaroon ng pag-asa.

Umaasa rin ang asobispo na maging masigasig ang mananampalataya na kumpletuhin ang pagdalo sa Simbang Gabi at Misa de Gallo upang samahan ang Mahal na Birheng maglalakbay sa pagsilang kay Hesus na tagapagdala ng liwanag at kapayapaan sa sanlibutan.

Kasama ng cardinal sa misa si Cathedral Rector Msgr. Rolando dela Cruz, Vice Rector Fr. Vicente Gabriel Bautista at Fr. Mico Dellera.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,397 total views

 2,397 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 40,207 total views

 40,207 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,421 total views

 82,421 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,956 total views

 97,956 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 111,080 total views

 111,080 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,479 total views

 14,479 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top