Maging para sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,187 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat Pilipino na maging bayani para sa Pilipinas.

Ito ang mensahe ni CBCP Commission on Social Action, Justice and Peace at Caritas Philippines Vice President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa paggunita ng National Heroes Day sa August 26.

Binigyang diin ng obispo na hindi lamang sa paggawa ng mga extra-ordinary na mga bagay ang pagiging bayani kundi ang sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng mamamayan para sa ikabubuti ng bansa.

Inihalimbawa ni Bishop Alminaza ang inilunsad na non-partisan multisectoral movement na ‘ANIM: Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan’ na isang bayanihan upang labanan ang mga katawalian ng pamahalaan na nagdudulot ng labis na kahirapan sa mamamayan.

“Panawagan ko talaga sa mamamayan, as we celebrate National Heroes Day sana bawat isa makita natin sa sarili natin may kapasidad tayo maging bayani pero hindi kanya-kanyang solo na bayani kundi magkadugtong-dugtong at nagkakaisang bayani at sugpuin ang political dynasty, corruption, and then yung electoral fraud,” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Dismayado ang opisyal na tila ginawang family business ang pulitika sa Pilipinas na malaking ugat ng korapsyon at mga katiwaliang nagpapahirap sa mamamayan.

Umaasa si Bishop Alminaza na maisaayos ang sistema ng halalan sa bansa at maipakita ang tunay na diwa ng demokrasya upang maihalal ang mga karapatdapat na lider ng bansa na may hangaring tulungan ang mga Pilipinong makaahon sa kahirapan at maitaguyod ang interes ng bayan.

Nitong August 23 ay inilunsad ang ANIM o kowalisyon ng anim na malalaking sectoral groups na kinabibilangan ng ‘retired military and uniformed personnel; faith-based communities and the clergy; women’s groups; youth organizations; business and professional groups; at ang people’s organizations and civil society.’

Sa pahayag ni ANIM Chairman Lt. Gen. Edilberto Adan, AFP (Ret) isusulong ng grupo ang mga adbokasiyang paglaban sa korapsyon, political dynasty, reforms, good governance, social justice, economic development, at national security.

Kabilang sa nagbahagi ng panayam sa launching na ginanap sa Club Filipino sa San Juan City sina Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Former COMELEC Commissioner and NAMFREL Chairman Augusto Lagman, at Book Author Atty. Alex Lacson.

Lumagda rin ang mga kinatawang sektor sa manifesto ng ANIM kabilang na sina Bishop Alminaza at Bishop Bagaforo kung saan nakapaloob dito ang panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dinggin ang hinaing ng taumbayan na sertipikahang urgent bill ang panukalang magbibigay linaw at kahulugan ng political dynasty sa Kongreso.

Apela ni Bishop Alminaza sa mananampalataya na magtulungang itaguyod ang ikabubuti ng bansa sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga gawaing nagsusulong sa interes ng taumbayan at lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 14,507 total views

 14,507 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 65,191 total views

 65,191 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 71,320 total views

 71,320 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 100,928 total views

 100,928 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 119,119 total views

 119,119 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top