P563 M halaga ng tulong at serbisyo, ipinamahagi ng BPSF sa 60,000 benepisyaryo sa Batangas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,373 total views

Kasunod ng matagumpay na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair Agency Summit, inilunsad nitong Sabado ang pinakamalaking serbisyo at convergence caravan, kung saan namahagi ng kabuuang P563 milyon halaga ng mga serbisyo ng gobyerno at tulong pinansyal sa mahigit 60,000 mamamayan ng lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng Serbisyo Caravan, mismong ang “Anak ng Batangas” na si Finance Secretary Ralph Recto na dati ring kinatawan ng distrito ng Batangas ang nagsilbing punong abala sa BPSF sa 2-day event na ginanap sa Lipa City simula Sabado.

Dumalo rin sa event ang 143 mambabatas ng Kamara kabilang na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., mga lokal at opisyal ng pamahalaan.

“Kailangan nang itayo ang mga Serbisyo at Tulong Center sa bawat lalawigan sa Pilipinas. Serbisyo ng gobyerno, direkta na sa tao, ito ang pangako ni Pangulong Marcos sa ating mga kababayan!” Ayon pa sa pinuno ng Kamara.

Ayon kay Romualdez, ito na ang ikalawang pagkakataon na nagtungo ang BPSF sa CALABARZON region na unang bumisita sa Sta. Cruz, Laguna noong Nobyembre 2023.

Ang BPSF Batangas ay ang ika-22 sa serye ng serbisyo fair na layong magtungo sa 82 mga lalawigan sa buong bansa upang ilapit ang tulong ng gobyerno ng “Mabilis, Maayos, Maginhawa at Masayang serbisyo publiko.”

Ang pagbubukas ng programa ay ginanap sa Aboitiz Pitch – Lima Park sa Lipa City noong Agosto 24, kung saan nagsilbing kinatawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Speaker Romualdez.

Sa layuning isakatuparan ang pangako dalhin ang mas episyenteng serbisyo ng gobyerno sa mga tao, tampok sa BPSF Batangas ang pakikibahagi ng 50 ahensya ng pamahalaan na nag-bigay ng 209 na serbisyo sa mahigit 60,000 benepisyaryo.

Sa dalawang araw na event, nasa kabuuang P563 milyong halaga ng mga programa ang inilaan sa buong probinsya, kabilang na ang P265 milyon na cash assistance.

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pay-out ng tulong pinansyal sa 34,000 benepisyaryo sa lalawigan ng Batangas.

Sa loob lamang ng isang taon mula nang ilunsad ito, mahigit P10 bilyon halaga ng tulong na ang naipagkaloob sa 2.5 milyong pamilya sa nakalipas na 21 BPSFs.

Sa ilalim ng pamumuno ng administrasyong Marcos, na pinatatag pa ng suporta ng Kamara sa pamamagitan ni Speaker Romualdez, magpapatuloy ang BPSF hanggang sa mabisita ang nalalabing 60 na lalawigan.

Kinakatawan ng BPSF ang isang mekanismo ng pagkakaisa ng bawat sangay ng pamahalaan at ng buong-bansa tungo sa bansang maipagmamalaki ng bawat Filipino. Ang pagsisikap na ito ay nagpapatunay ng pangako ni Pangulong Marcos na tiyakin na walang Pilipino ang maiiiwan tungo sa hangaring pag-unlad ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 54,984 total views

 54,984 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 78,143 total views

 78,143 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 99,417 total views

 99,417 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 266,469 total views

 266,469 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top