Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 7,644 total views

21st Sunday of Ordinary Time Cycle C
Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69

Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba ay dahil sa kaugalian lang ng inyong pamilya? Nanatili ba akong katoliko dahil ba sa napipilitan lang ako, natatakot kay Lola o kay Tatay? O dahil lang ba sa barkada, nandito kasi ang mga kaibigan ko? O dahil ba sa wala na akong ibang alam kundi ang maging katoliko? O ang pagiging pananatili mong katoliko ay isang bagay na dinisisyonan mo? Patuloy akong nagsisimba kasi ito ay aking pasya na mabuti. Patuloy akong sumusunod sa simbahan dahil na dinisisyonan ko na ito ang tama. Dapat tayo magpasya. Dapat tayo magdesisyon. Iyon ang pinagawa ni Josue sa mga tao at iyon din ang pinagawa ni Jesus sa kanyang mga apostol.

Pagkatapos ng mahabang panahon ng pakikipag-digma sa mga taga-Canaan, sa wakas nakuha na ng mga Israelita ang halos buong Canaan, ang lupaing ipinangako ng Diyos sa kanyang bayan. Naibahagi ang lupain sa iba’t ibang tribu ng Israel. Matanda na noon si Josue, ang kanilang leader. Pinatawag niya ang mga matatanda, ang mga hukom, ang mga pinuno at mga tagapangasiwa sa Israel sa isang pagpupulong sa lunsod ng Siquem. Sabi niya na natapos na niya ang kanyang misyon na pangunahan sila sa pagkuha ng lupain at pagbahagi nito sa bawat tribu. Sa kanilang mahabang pagsasama-sama marami na silang mga diyos na naranasan. Nakilala nila ang mga diyos ng ninuno nila sa Mesopotamia, ang mga diyos ng mga taga-Egipto, ang mga Diyos ng mga Amorreo at mga tao na taga-Cananaan, at si Yahweh na siya ang Diyos na nagligtas sa kanila sa Egipto. Ngayong nasa lupain na sila ng Canaan, pumili na sila kung sinong diyos ang sasambahin nila. Pero sabi ni Josue, “Ako at ang aking angkan ay kay Yahweh Panginoon lamang maglilingkod.” Nagsigawan ang lahat ng mga leaders ng bayan: “Nasaksihan namin ang mga kababalaghan na ginawa ni Yahweh sa pagliligtas sa amin sa mga kaaway. Kami rin ay kay Yahweh na Panginoon maglilingkod. Siya ang ating Diyos.”

Nanindigan ang mga tao na kay Yahweh lang sila maglilingkod. Pumili sila at pinili nila sa Yahweh bilang kanilang Diyos. Pero alam natin sa kasaysayan ng Israel na noong mamatay na ang matatandang mga Israelita, sumamba na sa mga diyos-diyosan ng Canaan ang mga tao. Hindi pinanindigan ng kanilang mga anak ang commitment ng mga nakakatanda kaya dahan-dahan nawala sila sa lupain na ipinangako sa kanila.

Noong panahon din ni Jesus pinapili ni Jesus ang kanyang labing dalawang apostol. “O ano, aalis din ba kayo?” Hinamon ni Jesus ang mga apostol noong ang mga alagad niya ay isa-isa nang umaalis at iniiwan sila. Excited noon ang mga alagad na sumunod sa kanya. Nasaksihan nila ang pagpakain ni Jesus sa higit na limang libong mga tao mula sa limang tinapay at dalawang isda lamang. Gusto na nilang gawin si Jesus na hari. Pero noong nagsalita na si Jesus na dapat maniwala sila sa kanya na siya ay galing sa langit na pinadala ng Ama, nagbulungbulungan na sila. Mahirap na tanggapin ito na siya ay galing sa langit na alam nila na galing siya sa Galilea at ang mga kamag-anak niya ay kilala nila. At noong nagsalita na si Jesus na magbibigay siya ng pagkain na hindi na sila magugutom at hindi mamamatay at ang pagkaing ito ay ang kanyang katawan, ay lalong nadisgusto na sila sa kanya. Ano? Kakainin namin ang kanyang laman at iinumin ang kanyang dugo? Ano ang akala niya sa kanila, mga aswang? Mga mamamatay tao? Baliw yata ang taong ito. Mula noon marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hind na sumama sa kanya. Kaya tinanong ni Jesus ang labing dalawang apostol kung aalis din ba sila. Hinamon sila ni Jesus na magdesisyon.

Maganda ang sagot ni Simon Pedro. Bilang kinikilalang leader, siya ang sumagot para sa lahat: “Panginoon, kanino pa kami pupunta? Nasa iyo ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos.” Maaaring hindi din nila naiintindihan kung paano nila kakainin ang kanyang laman at iinumin ang kanyang dugo, pero naniniwala sila na siya ang pinadala ng Diyos, na salita niya ay maaasahan kasi ito ay nagbibigay buhay. Naniwala sila hindi dahil sa naintindihan nila kundi dahil sa naniniwala sila sa kanya. Siya ay maaasahan. Mabuti ang kanyang balak para sa kanila at naniniwala sila na siya ay galing sa Diyos. Ito ang pananampalataya. Naniniwala tayo sa kanya kaya tinatanggap natin ang lahat ng sinasabi niya.

Ganyan din ba ang ating pananampalataya kay Jesus? Hindi lang tayo naniniwala sa kanya kung maayos ang buhay natin. Kahit na sa panahon ng kagipitan kumakapit tayo sa kanya. Hindi niya tayo pababayaan. Mahal niya tayo at hindi niya tayo bibiguin. Lalo na naniniwala tayo na dadalhin niya tayo sa langit kung nasaan ang buhay na walang hanggan. Walang nakakaalam papunta sa langit kundi ang nanggaling sa langit. Si Jesus ay galing doon. Nagtaya na siya ng kanyang buhay upang dalhin tayo doon. Talagang gagabayan niya tayo papunta doon.

Hindi lang tayo gagabayan ni Jesus papunta ng langit. Ginagabayan niya tayo sa lupa upang ipakita sa atin ang wastong landas ng kabutihan. Kaya nga binigyan niya tayo ng Simbahan at ng kanyang Banal na Salita. Kaya sa ating panahon ngayon nandiyan ang Salita ng Diyos sa Bibliya at ang Simbahan na siyang nagpapaliwanag at nagsasabuhay nito.

Isang malaking usapin sa ating panahon ngayon ay ang divorce. Tinutuligsa tayo ng marami na backward daw tayo sa Pilipinas kasi wala pa tayong divorce. Bilang mga katoliko hindi natin matatanggap ang divorce kasi ito ay hindi tinatanggap ng Bibliya. Sinabi ni propeta Malakias na sabi ng Diyos: I hate divorce. Sinabi ni Jesus na ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao. Pinagsama ng Diyos ang lalaki at babae noong unang likhain niya ang dalawa. Sila ay hindi na dalawa kundi magiging isa na lamang. Ngayon sinasabi sa atin sa sulat ni Pablo sa mga taga-Efeso na ang kaugnayan ng lalaki at babae sa pag-aasawa ay isang tanda ng malalim na katotohanan – tanda ng pagsasama ni Kristo sa simbahan. Ito ang ibig sabihin ng sakramento – isang tandang nakikita na nagpapahiwatig ng malalalim na katotohanan na hindi nakikita. Ang pagsasama ng mag-asawa ay salamin ng pagsasama ni Kristo at ng simbahan. Tulad na ang simbahan ay nagpapasailalim kay Kristo, gayon din ang babae ay nagpapasakop sa kanyang asawa. Tulad ng ganoon na lang ang pagmamahal ni Kristo sa simbahan na binigay na niya ang buhay niya para sa simbahan, ganoon din ang pag-ibig ng lalaki sa kanyang asawa. Ibinibigay niya ang buhay niya para sa kanyang asawa. Dahil sa sila ay iisa na lang, ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang tao na namumuhi sa kanyang sarili, kaya hindi kinamumuhian ng lalaki ang kanyang asawa.

Ang pagsasama ng lalaki at babae sa kasal ay hindi lang isang kontrata. Para sa ating mga katoliko, ito ay isang sakramento. Ang pagsasamang ito ay nagpapahiwatig ng malalim na katotohanan at nagbibigay ng grasya sa mag-asawa at sa kanilang pamilya. Kaya dapat pangalagaan ang pag-aasawa at ang pagpapamilya. Mas mataas ang bilang ng naghihiwalay na mag-asawa at mga broken families sa mga bansa na may divorce. Mas marami ang mga bata at mga nanay ang nagdurusa dahil sa divorce. Kaya hindi ito kalooban ng Diyos at hindi natin ito mapapayagan. Mas pipiliin ba natin ang sabi sabi ng sinu-sinong politiko at dalubhasa kuno at ng mga anu-anong survey kaysa Salita ng Diyos? Magdesisyon tayo.

Sabi ni Josue, “Ako at ang aking angkan ay sa Panginoon lamang maglilingkod.” Sabi ni Pedro, “Nasa inyo ang salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan.” Magdesisyon din tayo!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 32,981 total views

 32,981 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 83,544 total views

 83,544 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 30,499 total views

 30,499 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 88,724 total views

 88,724 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 68,919 total views

 68,919 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 2,542 total views

 2,542 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 3,604 total views

 3,604 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 4,914 total views

 4,914 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 8,829 total views

 8,829 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 10,309 total views

 10,309 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 12,720 total views

 12,720 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 16,005 total views

 16,005 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 18,439 total views

 18,439 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 20,299 total views

 20,299 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 22,609 total views

 22,609 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 28,736 total views

 28,736 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 26,865 total views

 26,865 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 29,148 total views

 29,148 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 32,054 total views

 32,054 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 31,744 total views

 31,744 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top