Maging responsableng tagapangalaga ng kalikasan, hamon sa mamamayan ng Laudato Si Week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,066 total reads

Hinihikayat ni Father Angel Cortez, OFM ang mga mananampalataya na makibahagi sa paggunita sa Laudato Si’ Week 2022.

Isasagawa ito mula May 22 hanggang 29, 2022 upang ipagdiwang ang ikapitong anibersaryo ng ensiklikal na liham ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si’ hinggil sa pangangalaga ng sangnilikha.

Sinabi ni Fr. Cortez, miyembro ng International Steering Committee ng Laudato Si’ Action Platform ng Vatican Dicastery for Integral Human Development na ang bawat isa ay mayroong mahalagang gampanin na pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan laban sa tuluyang pagkasira.

“Ang linggong ito ay napakaimportante hindi lamang sa mga tagasuporta upang pangalagaan ang inang kalikasan kundi tayong mga katoliko na patuloy na hinihimok ng Santo Papa na ang bawat isa ay may responsibilidad na pangalagaan ang inang kalikasan,” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy naman ni Fr. Cortez ang industriya ng pagmimina na hindi makakatulong sa pag-unlad ng bansa.

Ipinaliwanag ng pari na sa halip na makatulong ay lalo lamang palalalain ng pagmimina ang mga suliranin sa lipunan tulad ng unti-unting pagkasira ng kalikasan at ang patuloy na paghihirap ng mamamayan.

Hinamon ng pari ang bawat isa na sama-samang kumilos upang maiwasan at hindi na tuluyang lumala ang iba’t ibang krisis na nagaganap sa kapaligiran.

Panawagan din ni Fr. Cortez sa pamahalaan na mas paglaanan ng pondo ang mga proyektong kapaki-pakinabang para sa inang kalikasan sa halip na mapunta sa mga proyektong panganib at paghihirap lamang ang maidudulot sa lipunan.

“Dahil kapag hindi tayo kumilos, baka magising na lang tayo isang araw, ‘yung tinuturing nating tahanan ay dahan-dahan nang niyuyurakan at masira. At nasa huli ang pagsisisi,” giit ni Fr. Cortez.

Tema ng Laudato Si’ Week ngayong taon ang “Listening and Journeying Together” na layong pagbuklurin ang lahat ng Katoliko at sama-samang makinig at tumugon sa panawagan ng kalikasan, magdiwang sa mga pag-unlad na nakamit sa pagbibigay-buhay sa Laudato Si’, at paigtingin ang mga pagsisikap sa pamamagitan ng Laudato Si’ Action Platform.

Ang Laudato Si’ ang ikalawang ensiklikal na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei.
Ito ang itinuturing na kauna-unahang ensiklikal patungkol sa wastong pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,161 total reads

 86,161 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,071 total reads

 120,071 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,370 total reads

 155,370 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,640 total reads

 381,640 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,493 total reads

 270,493 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,397 total reads

 155,397 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top