Pastor Quiboloy, sinupalpal ng CHARIS Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 995 total reads

Nanindigan ang Catholic Charismatic Renewal International Service (CHARIS – Philippines) na pinalawak pa ng simbahan ang pagkilos para tulungan ang mga nalulong sa bisyo.

Sa panayam ng Radio Veritas kay CHARIS – Philippines National Coordinator Fe Barino, ibinahagi nitong nangunguna ang iba’t ibang charismatic communities sa bansa sa paghahatid ng programa para tugunan ang suliranin ng ipinagbabawal na gamot kasabay ng paglunsad ng pamahalaan ng malawakang programa laban dito.

“There’s a lot of charismatic communities who are catering to the needs of drug addicts, charismatics are into transformation through the power of the Holy Spirit and we believe in faith that the best approach for a drug addict to recover from addiction is really through faith based,” pahayag ni Barino sa himpilan.

Inihalimbawa ni Barino ang Surrender to God (SUGOD) program ng Duros Group at Love of God Community na sinimulan noong 2016 kasabay ng paglunsad ng administrasyong Duterte sa drug war.

Ayon kay Barino, mahigit na sa dalawang libong nalulong sa masamang bisyo ang natulungan ng programa para makapagbagong buhay, makabalik sa pamilya at muling makihalubilo sa pamayanang kinabibilangan.

Sa SUGOD program sasailalim ang mga drug dependents sa apat na araw na in-house seminar sa pangunguna ng mga eksperto sa larangan ng siyensya, medisina at spiritual leaders kabilang na ang mga pari na magbibigay ng mga panayam na magpapalago sa moralidad at espiritwalidad ng mga nalulong sa bisyo.

Ito ang tugon ni Barino sa pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy na dapat tumulong ang Simbahan sa kampanya laban sa illegal na droga lalo’t karamihan dito ay mga tupa ng Simbahang Katolika.

“I really wanted to refute the statement from the other denomination that we are not doing anything in the Catholic Church, we have the likes of DILAAB and many other initiatives of the Catholic church to address that special ministries of drug addiction,” giit ni Barino.

Bukod sa SUGOD program, pinalalakas din ng Archdiocese of Manila ang SANLAKBAY program para sa mga biktima ng iligal na droga gayundin ang Kaagapay Ministry ng Diocese of Kalookan na nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan para sa community-based drug-rehab program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,188 total reads

 84,188 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,359 total reads

 118,359 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,659 total reads

 153,659 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,928 total reads

 379,928 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,866 total reads

 268,866 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top