Maging saksi sa dakilang habag at awa ng panginoon, makiisa sa PACOM 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,992 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng Philippine Apostolic Congress on Mercy (PACOM) ang mananampalataya lalo na ang mga deboto ng Divine Mercy na makiisa sa PACOM 2025.

Ayon kay PACOM Steering Committee Member Dr. Catherine Zamora layunin ng pagtitipon na maranasan ng tao ang dakilang habag at awa ng Panginoon na nagbibigay ng pag-asa lalo ngayong nahaharap sa iba’t ibang pagsubok ang mundo.

“Wini-welcome namin lahat ng devotees, mga apostolates ng Divine Mercy Philippines o sa ibang bansa to register and attend this 3-day congress, nais namin na lahat ay magkaroon ng powerful experience ng God’s mercy and join the faithful in a transformative journey of faith and renewal,” pahayag ni Zamora sa Radyo Veritas.

Isasagawa ang PACOM 2025 sa University of Southeastern Philippines Gymnasium sa Davao City sa August 28 hanggang 30.

Pagninilayan sa pagtitipon ang temang ‘Divine Mercy Our Hope, Embracing God’s Merciful Love’ na tugma rin sa pagdiriwang ng Jubilee Year Pilgrims of Hope.

Tampok sa tatlong araw na pagtitipon ang pitong mga panayam sa iba’t ibang paksa gayundin ang adoration at pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

Kabilang sa magbibigay ng panayam sina Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao; Bacolod Bishop Patricio Buzon, Fr. Ronaldo Galvan, DCK; Fr. Jay Hector Lituanas, A.A; Fr. Prospero Tenorio, Fr. James Cervantes, MIC; Fr. Jose Junar De La Victoria, JCD, OFS; at, Fr. Joel De Los Reyes.

Magbabahagi naman ng kanilang testimonials ang mga deboto na sina Manuel Maban, Dr. Catherine Zamora, habang pangungunahan naman nina Davao Archbishop Romulo Valles at Cotabato Archbishop Emeritus Cardinal Orlando Quevedo ang mga pagdiriwang ng banal na misa sa 3-day congress.

Target ng pamunuan ng PACOM 2025 ang 3, 000 delegado kung saan sa kasalukuyan ay naabot na ang kalahati ng bilang sa mga nagparehistrong dadalo sa congress.

Patuloy na inaanyayahan ni Zamora ang mananampalataya na magpatala sa pamamagitan ng pagbisita sa official Facebook Page na PACOM 2025 kung saan mayroong itong registration fee na P4, 500 para sa conference kit.

Maaring magpadala sa pamamagitan ng BPI sa account name Apostolates of Mercy Archdiocese of Davao, account number 2883-0782-52.

Ayon kay Zamora itinaon din ang PACOM 2025 sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa Davao City upang maitampok sa mga delegado ang mayamang kultura ng lungsod.

“Of course, we have a lot to offer to our delegates, like the cultural show on the first day and the Kadayawan,” ani Zamora.

Matatandaang noong nakalipas na taon ng isagawa sa Cebu ang ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy na dinaluhan
ng limang libong deboto ng Divine Mercy mula sa Pilipinas at iba’t ibang bansa sa Asya.

Huling ginanap ang PACOM noong 2019 sa San Juan Manila at muling maisasagawa makalipas ang anim na taon dahil na rin sa pandemya noong 2020.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,414 total reads

 86,414 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 120,297 total reads

 120,297 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,596 total reads

 155,596 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,866 total reads

 381,866 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,709 total reads

 270,709 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top