Maging “seed of hope” ng kalikasan, hamon ng CBCP sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,719 total reads

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapayabong ng pag-asa alang-alang sa nag-iisang tahanan.

Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, mahalagang pagyamin ng bawat isa ang pagnanais na pangalagaan ang naghihingalong daigdig laban sa patuloy na epekto ng climate crisis.

Ang paanyaya ni Bishop David ay kaugnay sa pagdiriwang sa Laudato Si’ Week mula May 19-26, 2024 na may temang “Seeds of Hope” na hango mula sa simbolo para sa Season of Creation 2024 na “Firstfruits of Hope”.

“Let us together meditate on this powerful theme, as we confront the effects of the climate crisis currently affecting the whole world,” ayon kay Bishop David.

Ibinahagi ng obispo ang kanyang karanasan sa katatapos lamang na Marian Pilgrimage sa Europa kung saan kanyang nasaksihan ang epekto ng nagbabagong klima.

Sinabi ni Bishop David na dapat ay nararanasan na sa ilang bahagi ng Europa ang ‘spring season’ o tagsibol, ngunit ngayo’y mababa at labis ang lamig ng temperatura na nakakaapekto sa dapat sana’y panahon ng pag-usbong at pamumulaklak ng mga puno’t halaman.

Nabanggit din ng obispo ang naranasang malawakang pagbaha sa Dubai dahil sa labis na pag-uulan, gayundin ang epekto ng El Niño phenomenon sa Pilipinas na labis nang nakakaapekto sa kalusugan at kabuhayan ng tao, hayop, at kalikasan.

Panawagan naman ng pinuno ng kalipunan ng mga obispo sa Pilipinas ang pagtutulungan at pakikibahagi ng lahat sa layunin ng pagdiriwang ng Laudato Si’ Week para sa nag-iisang tahanan.

“I therefore call on all our partner organization, dioceses, parishes, and communities to join us in nurturing the seeds of hope for our suffering planet. Let us be seeds of hope in our lives, in our world rooted in faith and love. Let us unite ourselves in caring for our common home,” panawagan ni Bishop David.

Ang Laudato Si’ Week 2024 ay ang ikasiyam na taong paggunita mula nang mailathala ng Kanyang Kabanalan Francisco ang ensiklikal na Laudato Si’ para sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Layunin ng pagdiriwang na pagtuunan at higit na maipaunawa sa mananampalataya ang apostolic exhortation ni Pope Francis na Laudate Deum, na sumusuporta sa Laudato Si’, upang maging inspirasyon para sa personal at kultural na pagbabago sa gitna ng nararanasang krisis sa kalikasan at klima.

Sa inilabas na Celebration Guide para sa Laudato Si’ Week, iminumungkahi ang pang-araw-araw na gawain tulad ng Ecological Conversion Sunday; Sustainable Transportation Monday; Sustainable Food Tuesday; Renewable Energy Wednesday; Waste Reduction Thursday; Water Conservation Friday; Catechesis and Integral Ecology Saturday; at Reflection and Commitment Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 35,831 total reads

 35,831 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 121,677 total reads

 121,677 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 168,415 total reads

 168,415 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 216,287 total reads

 216,287 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 318,554 total reads

 318,554 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,064 total reads

 169,064 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top