Caritas Philippines, umaasang bukas sa dayalogo ang bagong Senate President

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,981 total views

Umaasa ang social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging bukas sa dayalogo ang bagong liderato ng senad.

Batid ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Social Action Justice and Peace na sa pamumuno ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri ay pinakinggan nito ang opinyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan hinggil sa usapin ng pagpapalit ng konstitusyon.

“Sana naman maging bukas ang puso at isipan ng bagong liderato sa pangunguna ni Senator Chiz Escudero na pakinggan ang hinaing ng ating mamamayan dito sa usapin ng Cha-Cha,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Kaugnay nito hinimok ng opisyal ang mamamayan lalo na sa Metro Manila na makiisa sa isasagawang ‘Peoples’ March and Prayer Against Charter Change’ sa May 22 sa alas tres hangang alas singko ng hapon sa harapan ng Senado sa Pasay City.

Nilinaw ni Bishop Bagaforo na mahalaga ang sama-samang pagkilos na tutulan ang napipintong pagpapalit ng konstitusyon sa pamamagitan ng pagbago ng economic provision ng 1987 Constitution.

Iginiit ng obispo na maganda ang kasalukuyang konstitusyon sa bansa dahil ito ay maka-Diyos, makatao, makabayan at may pagpapahalaga sa mga mahihirap subalit hindi maayos na naipatutupad sa lipunan.

“Do not touch our constitution at present. As much as possible we would like to protect ng ating present constitution sapagkat nakita natin pro God at walang dapat palitan doon,” ani Bishop Bagaforo.

Binigyang diin ni Bishop Bagaforo na nakababahala ang binabalak nba economic provision kung saan pahihintulutan ang mga dayuhang makapagbukas ng mga negosyo at magkaroon ng mga ari-arian sa bansa na hindi makatarungan at lubhang mapanganib para sa mga Pilipino.

Bukod pa rito ang pangambang palitan ang political system ng gobyerno na magpapalawig sa paninilbihan ng ilang pulitiko na nagsusulong lamang ng pansariling interes sa halip na itaguyod ang kapakanan ng taumbayan.

Inaasahan ang pakikibahagi ng humigit kumulang sa tatlong libong katao mula sa iba’t ibang mga parokya, catholic insitutions kabilang na ang mga paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Hinimok din ng mga obispo ang mga parokya na hindi makadadalo sa prayer rally sa senado na magsagawa ng kaparehong gawain sa mga parokya sa parehong oras.

Patuloy ang paninindigan ng CBCP laban sa charter change at iginiit na hindi napapanahong palitan ang kasalukuyang 1987 Constitution sa halip ay hinimok ang pamahalaan na gumawa ng mga polisyang makatutugon sa pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansa kabilang na ang kahirapan, kagutuman, at kawalang sapat na oportunidad sa mga Pilipino lalo na ang mga magsasaka at manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 31,033 total views

 31,033 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 59,038 total views

 59,038 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 76,838 total views

 76,838 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 75,635 total views

 75,635 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 185,782 total views

 185,782 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 9,985 total views

 9,985 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top