Makiisa sa red wednesday campaign, panawagan ng CBCP sa mga diocese at archdiocese

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,012 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa bawat diyosesis, relihiyoso, mga lingkod ng Simbahan at mga mananampalataya na makibahagi sa paggunita ng Red Wednesday ng Aid to the Church in Need sa ika-29 ng Nobyembre, 2023.

Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang taunang gawain ay isang pambihirang pagkakataon upang sama-samang alalahanin at bigyang pugay ang mga Kristiyanong dumaranas ng pag-uusig at pinapaslang sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Napiling tema ng Red Wednesday Campaign ngayong taon ang ‘Embracing Persecuted, Oppressed and Christians in Need’ na layuning higit na palaganapin ang kamalayan ng bawat isa sa kalagayan at kapakanan ng mga inuusig na Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Dear brother and sisters in Christ, once again I just want to remind you that we are observing our annual Red Wednesday this year 2023 on November 29th with the theme “Embracing Persecuted, Oppressed, and Christians in Need”. This is our annual remembrance of the suffering Church and persecuted Christians worldwide. ” Ang bahagi ng paanyaya ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Pagbabahagi ni Bishop David, bilang kasapi ng iisang Simbahan at magkakapatid sa Panginoon ay naaangkop lamang na magkaisa ang lahat ng mga Kristiyano upang ipanalangin, alalahanin at bigyang pugay ang bawat isa lalo’t higit ang mga dumaranas ng pagdurusa dulot ng pag-uusig dahil sa kanilang paniniwala at pananampalataya.

“This year’s theme is drawn from the pastoral direction of the Universal Church through the Synod on Synodality. ACN believes that the Local Church journeys with the persecuted and oppressed Christians in need and embraces their experiences.” Dagdag pa ni Bishop David.

Nakatakda ang ‘Evening Eucharistic Celebration for Persecuted Christians in the Philippines and Worldwide’ sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral na pangungunahan ni Msgr. Bernardo Pantin ang secretary general ng CBCP ganap na alas-sais ng gabi na susundan ng pagpapailaw ng kulay pula sa Simbahan bilang pag-pupugay sa mga inuusig na Kristiyano sa buong mundo.

Matatandaang Enero ng taong 2020 ng aprubahan ng CBCP ang institutionalization ng Red Wednesday Campaign ng Aid to the Church in Need kung saan bahagi na ng taunang selebrasyon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang pananalangin, pag-alala at pagbibigay pugay sa mga inuusig na Kristiyano sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 154,921 total reads

 154,921 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 186,068 total reads

 186,068 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 220,192 total reads

 220,192 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 276,598 total reads

 276,598 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 38,626 total reads

 38,626 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top