Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malakas na lindol sa Mindanao, muling nagdulot ng pangamba sa mga taga-South Cotabato

SHARE THE TRUTH

 2,806 total views

Bagama’t naramdaman ang pagyanig, wala namang malubhang pinsala na tinamo sa Diocese of Kidapawan sa South Cotabato.

Ito ay kasunod ng 7.1-magnitude na lindol na natagpuan ang sentro sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, naitala sa intensity III ang naramdaman sa kabisera ng South Cotabato.

Ibinahagi naman ng Obispo na bagamat walang naitalang pinsala ay nagdulot naman ito ng pangamba sa mga residente.

“We are fine. No major damages. Of course, marami kinabahan… And were waiting na baka kasunod malakas. Wala naman. Many also went out of their houses. More than 1 minute din kasi. Yes, estimated ko 2 intensity,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Colin Bagaforo sa Radio Veritas.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang origin ng 7.1-magnitude na lindol na yumanig sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental ganap na alas-8:23 Huwebes ng gabi na may lalim na 116-kilometro.

Umabot naman sa Intensity 5 ang pagyanig na naramdaman sa General Santos City.

Oktubre ng taong 2019 ng yanigin ng magkakasunod na malalakas na lindol ang rehiyon ng Mindanao na nagdulot na malawak na pinsala sa mga diyosesis ng Kidapawan, Marbel at Digos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 23,003 total views

 23,003 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 37,063 total views

 37,063 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 55,634 total views

 55,634 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 80,328 total views

 80,328 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567