Malawakang pagbaha sa Bicol region: Dulot ng pagkasira ng kalikasan, pagbabaw ng ilog at lawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,545 total views

Ipinaliwanag ng isang pari at tanyag na Bicolano author ang nangyaring malawakang pagbaha sa Bicol Region sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon kay Fr. Wilmer Tria, kura paroko ng St. Raphael the Archangel Parish sa Pili, Camarines Sur, ang pagbaha sa Bicol ay dahil sa kombinasyon ng heograpiya, klima, at mga pagbabago sa lupain.

Pagbabahagi ni Fr. Tria, ang Bicol ay napapaligiran ng mga bundok at bulkan na nagiging dahilan ng mabilis na pagdaloy ng tubig-ulan mula sa mataas na lugar patungo sa kapatagan.

“The West and the East coasts of Bikol are covered by mountains. Along Western coasts are the Ragay Hills, Bernacci and Taobtaob mountains while along the East are the chain of volcanos like Mt. Isarog, Mt. Iriga, Mt. Masaraga and Mt. Mayon,” ayon kay Fr. Tria.

Nagsisilbi namang tagakolekta ng tubig sa pamamagitan ng Bikol River ang Bikol Valley na nasa pagitan ng Albay at Camarines Sur mula sa magkabilang gilid ng rehiyon, at umaagos patungong San Miguel Bay.

Inihayag ni Fr. Tria na ang paglikha ng mga kanal para sa irigasyon at pag-aangkin o pagsakop ng mga komunidad sa mga pampang ng ilog ang nagdulot ng pagkitid at pagbabara sa likas na daluyan ng tubig.

Dahil dito, ayon sa pari, hindi nakakadaloy nang maayos ang tubig tuwing malakas ang ulan, kaya’t umaapaw ito sa mga kalapit na pamayanan.

“With heavy and prolonged rains, all waters from these Western and Eastern mountains rush to claim their space rights, gushing forth through constricted rivers and canals, bursting out through villages until they find their way out to San Miguel Bay. Then, the mouth itself is blocked with silt and solid waste,” saad ni Fr. Tria.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang 71 lugar sa Bicol Region ang binaha kung saan labis na apektado ang lalawigan ng Camarines Sur.

Iginiit ni Fr. Tria na ang naranasang pagbaha sa rehiyon ay higit na pinalala ng pagkaubos ng likas na anyo at disenyo ng mga ilog at lawa.

Kaya naman iminungkahi ng pari ang pagpapanumbalik ng likas na daluyan ng tubig upang maibsan ang pagbaha, gayundin upang mas mapakinabangan ang tubig sa panahon ng tagtuyot.

“During dry season, we endure drought. During rainy days, we suffer from flood. This is the time to rethink our strategies to maximize these gifts from nature. We need to rediscover the purpose of rivers and lakes, recover their natural design and preserve and optimize them so that we have enough water during dry season and avoid inundation of villages during rainy days,” ayon kay Fr. Tria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,393 total views

 47,393 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,262 total views

 43,262 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,464 total views

 79,464 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,171 total views

 88,171 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,464 total views

 113,464 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top