Malinis at patas na mining audit, ipinagtanggol ng DENR

SHARE THE TRUTH

 211 total views

Tiniyak ni Environment Secretary Gina Lopez na mahigpit na naipatupad ng Department of Environment and Natural Resources ang patas at malinis na mining audit na nakabatay sa katarungang panlipunan.

Ito ay sa kabila ng mga akusasyong naging bias o may kinikilingan ang isinagawang mining audit ng ahensya.

“We assure the industry and the general public that due process was meticulously observed in the mining audit conducted by the agency and that the results would be always anchored on integrity, social justice, and the common good.” pahayag ni Lopez sa Radio Veritas.

Ikinatwiran ng kalihim na mayroong kinatawan ang iba’t-ibang sector at pamahalaan na nakibahagi sa pagsusuri ng mga minahan.

Bukod dito, nagsagawa din ang DENR ng Cross Audit, kung saan nagmula sa ibang rehiyon ng bansa ang nag-audit sa mining company at binigyan din ng pagkakataon ang kumpanya na sagutin ang inihaing kaso ng paglabag sa mining law.

Muling pinag-aralan ng DENR ang lahat ng resulta sa loob ng limang buwan bago inilabas ang huling desisyon.

Sa kasalukuyan 23 minahan ang nakatakdang ipasara ng DENR at tiniyak ng ahensya na ibabalik nito ang mga nasira sa kapaligiran para na rin sa ikabubuti ng mas nakararami.

“My issue here is not about mining. My issue here is social justice. If there are businesses and foreigners that go and utilize the resources of that area for their benefit and the people of that island suffer, that’s social injustice.” dagdag pa ni Lopez.

Samantala, pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang Department of Environment and Natural resources dahil sa kautusang ipasara ang 23 minahan sa Pilipinas.

Ayon kay National National Secretariat for Social Action at Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Edwin Gariguez, patunay ito na hindi naman lahat ng ginagawa ng administrasyong Duterte ay masama.

Dagdag pa ng Pari sa nagawa ni Secretary Lopez, ay nararapat lamang na kumpirmahin ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga ng kalihim sa kanyang posisyon.

Magugunitang Agosto noong nakaraang taon, sinimulan ng DENR ang mining audit sa 41 metallic mines sa Pilipinas at nito lamang nakaraang linggo ay inilabas ng ahensya ang resulta, kung saan 23 kumpanya ang ipasasara nito dahil sa labis na pagkasira ng kalikasan.

Read: http://www.veritas846.ph/21-minahan-ipapasara-ng-denr/
http://www.veritas846.ph/pagpapasara-sa-mga-mapinsalang-minahan-pinuri/

Sa Ensiklikal na Laudato Si, kinondena ni Pope Francis ang hindi makatarungang operasyon ng pagmimina ng mga multinasyonal na kumpanyang mula sa mga maunlad na bansa o First World Countries sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,399 total views

 2,399 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 27,760 total views

 27,760 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,388 total views

 38,388 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,380 total views

 59,380 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,085 total views

 78,085 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 159,531 total views

 159,531 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 103,377 total views

 103,377 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top