Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malnutrisyon at Kalusugan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 24,213 total views

Sa panahon ngayon kung kailan matingkad na isyu ang food security o katiyakan sa pagkain, maaaring maging mas malala ang problema ng malnutrisyon at kalusugan sa ating bayan, lalo na sa mga bata.

Matagal na isyu na ang malnutrisyon sa Pilipinas, bunga na rin ng kahirapan ng maraming mga pamilyang Pilipino. Marami sa atin ang hindi nakakakain ng sapat at masustansyang pagkain. Maraming mga sanggol at kabataan ang hindi nakakain ng wasto. Ayon nga sa datos ng Social Weather Station, mga 2.7 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger nitong second quarter ng 2023 dahil sa kawalan ng pagkain.

Ang gutom ay malaki ang epekto sa kalusugan. Ayon sa Department of Health (DOH), persistent na ang malnutrition sa bayan, kaya nga halos di nagbabago ang ating stunting rate: nasa 27.6% o isa sa bawat apat na batang may edad lima pababa ay maliit para sa kanilang edad.

Kapanalig, ang problema ng malnutrisyon ay hindi lamang simpleng problema ng gutom. Malaki ang implikasyon nito sa kinabukasan ng mga bata pati ng ating bayan. Unang una, kapanalig, ang batang stunted at malnourished ay batang sakitin. Sa isang bayan gaya ng Pilipinas kung saan ang health care ay napakamahal, ang pagiging masakitin ay magtutulak pa lalo sa kahirapan sa maraming pamilyang Pilipino. Mahal ang konsultasyon, mahal ang lab tests, mahal ang gamot.

Sa mga remote areas pa ng ating bayan, hindi pa accessible ang health care. Maraming mga nayon, maraming mga indigenous areas, ang walang access sa mga health facilities. May mga pagkakataon na halos wala silang nakakaharap na health care professionals. At kung emergency, minsan mas lalong lumalala ang sakit dahil kailangan pang maglakbay ng ilang oras para lamang makakuha ng paunang lunas.

Ang chronic hunger at malnourishment, kapanalig, ay malaki rin ang epekto sa abilidad ng mga bata. Maraming pag-aaral ang nagsasabi na maraming malnourished children ay may poor motor skills, hirap magsalita at makipag-communicate, at mas hirap umunawa at makisama. Kung malaking porsyento ng ating kabataan ang maapektuhan ng ganito dahil sa malnourishment, paano na ang kinabukasan nila?

Ang malnutrisyon at kalusugan sa Pilipinas ay isang isyung kailangan ng agarang aksyon. Ilang taon na ang problemang ito, pero hanggang ngayon, wala pa ring solusyon. Ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon ay hindi lamang isyung pantahanan, ito ay national issue. Ang malnutrisyon ay labag sa karapatan ng tao sa kalusugan. Sabi nga ni Pope Francis sa UN Food Systems Pre-Summit 2021: We produce enough food for all people, but many go without their daily bread … an offense that violates basic human rights… It is everyone’s duty to eliminate this injustice.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 14,530 total views

 14,530 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Behind closed doors?

 26,850 total views

 26,850 total views Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?   Sa ngayon, hindi

Read More »

Walang “natural disaster”

 79,650 total views

 79,650 total views Mga Kapanalig, ngayong taon, muli na namang nanguna ang Pilipinas sa World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa sa mundo. Apat na magkakasunod

Read More »

Politics Is Deterent To Economic Development

 103,250 total views

 103,250 total views Sa kasalukuyan, nahaharap ang Pilipinas sa hindi maayos na kalagayan dahil sa malala at sistematikong katiwalian o korapsyon na pangunahing headlines ng mga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Lahat ay pantay sa mata ng hustisya

 14,531 total views

 14,531 total views Mga Kapanalig, hindi pinagbigyan ng International Criminal Court (o ICC) Pre Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ni dating Presidente Rodrigo Duterte

Read More »

Behind closed doors?

 26,851 total views

 26,851 total views Mga Kapanalig, gaano kaya kalawak at kalalim ang ugat ng korapsyon na bumabalot sa mga flood control projects ng DPWH?   Sa ngayon, hindi

Read More »

Walang “natural disaster”

 79,651 total views

 79,651 total views Mga Kapanalig, ngayong taon, muli na namang nanguna ang Pilipinas sa World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa sa mundo. Apat na magkakasunod

Read More »

Dagdag na pondo para sa mga SUC

 107,430 total views

 107,430 total views Mga Kapanalig, sa isang Senate hearing tungkol sa pambansang budget para sa taong 2026, tinalakay ang pagbibigay ng dagdag na pondo sa mga

Read More »

Karapatan sa tirahan

 132,158 total views

 132,158 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Habitat Day. Layunin ng taunang pagdiriwang na ito na isulong ang karapatan ng lahat sa maayos na tirahan.

Read More »

TALO ANG MGA PILIPINO

 152,896 total views

 152,896 total views Sa nabunyag na “endemic corruption” sa flood control projects ng pamahalaan na tumagos sa kaibuturan ng puso at isip ng mga Pilipino. Ang

Read More »

AVARICE o GREED

 113,951 total views

 113,951 total views Greed (pagkagahaman), ito ay isang uri ng sakit na umiiral sa ating mga Pilipino. Ang masaklap nito, ito ay gawi na ito ay

Read More »

Pati ba naman mga silid-aralan?

 100,983 total views

 100,983 total views Mga Kapanalig, hindi na lingid sa ating kaalaman ang problema natin sa kakulangan ng silid-aralan sa ating mga pampublikong paaralan. Pero ang malamang

Read More »
Scroll to Top