Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

SHARE THE TRUTH

 17,938 total views

Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo.

Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products.
“Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products or supplemets. Do not be deceived by fake news or endorsements,” pahayag ng bikaryato.

Matatandaang nagbabala rin noon si Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle kaugnay sa laganap na Artificial Intelligence (AI) generated content sa internet na kadalasang sanhi ng pagkalinlang ng maraming mamamayan.

Ang mga kumakalat na video gaya ng endorsement ni Bishop Pabillo ay ginawa gamit ang Deepfake technology na isang uri ng Artificial Intelligence na lumilikha ng convincing fake images, videos at audio recordings.

Apela ng bikaryato sa mamamayan na maging mapagmatyag at maingat sa mga nababasa at napapanuod online upang makaiwas sa scam.

“Stay vigilant and please report if you see any fake news,” anila.

Sa mensahe ni Pope Francis sa 58th World Day of Social Communications sa temang ‘Artificial Intelligence and the Wisdom of the Heart Towards a Fully Human Communication’ binigyang diin nito ang wastong paggamit ng mga teknolohiya kabilang na ang AI para sa pagsusulong ng ikabubuti at ikauunlad ng pamayanan sa halip na panlilinlang at panloloko sa kapwa.

Sa datos ng Data Reportal ngayong 2024 mayorya sa 110-milyong Pilipino ang aktibo sa internet kung saan mahigit 80 million users ang social media platform na Facebook na kadalasang napapanuod ang fake endorsements ng mga obispo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 33,416 total views

 33,416 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 63,497 total views

 63,497 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 77,557 total views

 77,557 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 95,892 total views

 95,892 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567