Mamamayan, binalaan sa pekeng FB account ni Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,739 total reads

Hiniling ng Archdiocese of Cebu sa mamamayan na magtulungang i-report ang pekeng Facebook account na ipinangalan kay Archbishop Jose Palma.

Babala sa publiko na iwasang makipag-ugnayan sa nasabing social media account dahil wala itong kaugnayan sa arsobispo.

“Kindly help report this Facebook account https://www.facebook.com/profile.php?id=61555143895163]. It does not belong to Cebu Archbishop Jose S. Palma. Please do not interact with this account in any way,” saad ng arkidiyosesis.

Makailang beses nang ginamit ng mga mapanamantalang indibidwal ang pangalan ni Archbishop Palma sa fraudaulent activities lalo na sa online.

Dahil dito hinimok ng arkidiyosesis ang nasasakupang mananampalataya na ipagbigay alam sa tanggapan ang anumang mensaheng matatanggap mula sa pekeng FB account.

“If you see any suspicious activity, please message us,” ayon pa sa arkidiyosesis.

Ginagamit na pagkakataon ng mga scammer ang social media gamit ang pangalan ng mga kilalang lider at personalidad dahil aktibo ang mga Pilipino sa paggamit ng internet.

Ayon sa datos ng We are Social at Meltwater sa unang bahagi ng 2024 nasa halos 87 milyong Pilipino ang internet user’s kung saan 86.7 milyon dito ang gumagamit ng social media o katumbas sa halos 74 na porsyento sa kabuuang populasyon ng bansa.

Bukod pa rito ang 117.4 million cellular mobile connections.

Paalala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mamamayan na maging maingat sa pakikipag-ugnayan sa social media lalo na sa mga obispo, pari at mga simbahan dahil ginagamit ito ng iilan para sa scam.
Ugaliing makipag-ugnayan sa tanggapan ng mga diyosesis at parokya sakaling makatatanggap ng mensahe online lalo na ang humihingi ng donasyon at tulong pinansyal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 124,277 total reads

 124,277 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 185,968 total reads

 185,968 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 231,676 total reads

 231,676 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 332,944 total reads

 332,944 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 396,436 total reads

 396,436 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top