Sama-samang pagkilos laban sa droga,panawagan ng Diocese of Tagbilaran at Talibon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,926 total reads

Nanawagan ang Diyosesis ng Tagbilaran at Talibon sa Bohol sa bawat mamamayan na magkaisang kumilos laban sa muling paglaganap ng iligal na droga sa lalawigan.

Nababahala sina Bishop Alberto Uy at Bishop Patrick Daniel Parcon dahil kaakibat sa paglagap ng ipinagbabawal na gamot ang malaking panganib sa kalusugan ng mamamayan at banta sa seguridad ng lipunan gayundin sa bawat pamilya.

Apela nito sa pamahalaan na paigtingin ang mga hakbang na masugpo ang iligal na droga para sa kapakinabangan ng mamamayan.

“We challenge our local government units, police authorities, and government agencies to redouble their efforts in addressing the menace of drugs in our localities. It may be necessary to consider imposing a curfew for young people to protect them from the influence of drugs and other harmful activities during vulnerable times of the day,” ayon sa pahayag ng dalawang obispo.

Gayunpaman iginiit ng mga lider ng simbahan sa Bohol na sa pagpatupad ng mga polisiya ay kinakailangan ang wastong pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at lahat ng sektor ng pamayanan.

Binigyang diin ng mga obispo ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamayanan sa paglutas ng suliranin ng droga.

“As we navigate these troubled waters, it is imperative that we, as a community, come together to combat this evil. Families, especially parents, play a crucial role in educating and guiding their children about the dangers of drugs. Parents must engage in open and honest conversations with their children, instilling in them the values of self-respect, discipline, and resilience to resist the temptations of drug use,” pahayag ng dalawang obispo

Sinabi pa nina Bishops Uy at Parcon na malaking tungkulin din ang gagampanan ng sektor ng edukasyon para sa pagbabahagi ng masamang epekto ng iligal na droga sa kalusugan ng tao.

Batay sa ulat ng Bohol Provincial Police Office (BPPO) umabot sa 25 kilong nahuling shabu na nagkakahalagang 170 milyong piso sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga sa nakalipas na 14 na buwan.

Nakahanda ang dalawang diyosesis na tumulong sa pamahalaan sa kampanya laban sa iligal na droga.

“Andam ang mga Diyosesis sa Tagbilaran ug Talibon sa pakigtambayayong sa gobyerno diha sa paningkamot nga kining droga masumpo. Makatabang ang mga kapilya ug clusters aron mapaabot sa kinaubsang hut-ong sa kabarangayan ang mga information materials nga andamon alang niini. Amo usab nga gidasig ang mga Catholic schools dinhi sa ato sa paglusad og programa isip kontribusyon niining maong paningkamot,” saad nina Bishops Uy at Parcon.

Nakahanda ang Diyosesis ng Tagbilaran at Talibon na makipagtulungan sa gobyerno sa pagsisikap na sugpuin ang droga. Ang mga kapilya at clusters (BECs) ay makatutulong upang maabot ang kanayunan sa pamamahagi ng information materials para sa kampanya. Hinihikayat din namin ang mga Catholic schools na maglunsad ng isang programa bilang pakikiisa sa layuning ito

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 49,429 total reads

 49,429 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,236 total reads

 146,236 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,505 total reads

 190,505 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,614 total reads

 213,614 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 286,594 total reads

 286,594 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top