Mamamayan, hinikayat na makiisa sa pananalangin at pag-aayuno ng Archdiocese of Zamboanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total views

Muling inaanyayahan ng Archdiocese of Zamboanga ang mananampalataya na makiisa sa pananalangin, pag-aayuno at penitensya bilang pagsusumamo sa Panginoon na matapos na ang pandemya.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Bishop Moises Cuevas ang tagapangasiwa ng arkidiyosesis na mahalagang sama-sama ang buong pamayanan sa pagdarasal lalo’t lahat ay apektado ng pandaigdigang krisis sa kalusugan.

“I would like to renew my invitation for the people of God in the Archdiocese of Zamboanga to be united in these forty days of prayer, fasting and penitence from Oct 13 to Nov 22, for an end to Covid-19 pandemic and in solidarity with those who suffer most,” pahayag ni Bishop Cuevas sa Radio Veritas.

Ang hakbang ng arkidiyosesis ay tugon sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Circular No. 21-29 namay paksang ‘The Love of Christ Compels Us’ kung saan pinaalalahanan ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles ang mamamayan na kaakibat ng kahalagahan ng pananalangin sa Panginoon ang paglingap sa pangangailangan ng kapwa.

Hinimok rin ni Bishop Cuevas ang bawat komunidad na dasalin ang Santo Rosaryo tuwing alas otso ng gabi upang hingin ang paggabay ng Mahal na Birhen.

“In these days of fervent prayers, I encourage the faithful of the archdiocese to pray the Holy Rosary at 8:00pm in the church, in the chapel, as a family at home, as a religious community, as a group or organization,” ani Bishop Cuevas.

Bukod dito hinikayat ng obispo ang mananamapalataya na mag-ayuno hindi lamang sa pagkain kundi maging sa mga nakaugaliang gawain at higit ituon ang sarili sa Panginoon.

“To better dispose us to be in communion with God in prayer I recommend fasting. As mentioned in our archdiocesan catechesis and primer on fasting, it can take many forms such as depriving oneself of technology, leisure, smoking, drinking, but food must be given utmost consideration since food is the most fundamental like air or water. It’s a form of deprivation of the good for a greater good,” giit ng obispo.

Bukod sa Archdiocese ng Zamboanga nauna nang nagsagawa ng ‘Days of prayer, fasting and penitential walk’ sa intensyong pagwawakas ng COVID-19 ang Archdiocese of Manila, mga diyosesis ng Borongan, Catarman at Maasin.

Si Bishop Cuevas na itinalagang katuwang na obispo ng arkidiyosesis noong Marso 2020 ay hinirang ni Pope Francis na apostolic administrator ng Zamboanga noong Agosto habang nagpapagaling sa karamdaman si Archbishop Romulo Dela Cruz.

Bilang tagapangasiwa saklaw ng kapangyarihan nito ang mga tungkuling ginagampanan ng obispo sa isang diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 41,255 total views

 41,255 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 84,863 total views

 84,863 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 168,579 total views

 168,579 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 182,675 total views

 182,675 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top