Rural Health Doctors, umaalma na sa mahirap na kalagayan ngayong pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total reads

Muling nanawagan sa pamahalaan ang grupo ng mga doktor upang mabigyang-pansin ang sitwasyon ng mga medical frontliners sa bansa hinggil sa patuloy na pag-iral ng coronavirus pandemic.

Sa ginanap na webinar na may paksang “Okay ka pa ba, Dok” na inilunsad ng grupong Community Medicine Practitioners and Advocates, Association (COMPASS), tinalakay dito ang iba’t ibang saloobin ng mga doktor mula sa mga lalawigan at mga pagsubok na kanilang patuloy na hinaharap kasabay ng pandemya.

Ayon kay Dr. Raul Ting ng Tuguegarao City, Cagayan, karamihan sa mga rural health units ay itinigil ang operasyon habang ang mga local health centers naman ay nakakaranas ng kakulangan sa mga testing kits, laboratory centers at mga kagamitan.

Dagdag pa ni Ting na nagreresulta ito ngayon sa pagbibitiw ng mga doktor kasabay ng patuloy na pagdami ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19.

Ipinaliwanag naman ni OB-GYN Dr. Tess Betonio na karamihan sa mga manganganak na nanay ang hindi nakakakuha ng libreng serbisyo sa mga government hospitals dahil mas binibigyang prayoridad ng mga ospitala ng mga COVID-19 patients.

“Wala nang mapuntahan ang mga manganganak kaya inaabot ng birth delivery sa tricycles,” ayon kay Betonio.

Samantala, sinabi naman ni Medellin, Cebu Municipal Health Officer, Dr. Oliver Gimenez na magmula pa noong nakaraang taon ay nagsimula nang bumili ng anti-hypertensive medicines ang lokal na pamahalaan para sa mga health centers nito dahil hindi nakakapagpadala ng suplay ang Department of Health.

Salungat ito sa inilabas na ulat ng Commission on Audit na ang DOH ay mayroong P2.7-bilyong halaga ng mga unutilized and expired medicines.

Ibinahagi naman ni Dr. Jean Lindo mula sa Davao City ang kanyang naging karanasan sa mga katutubong Haran na magpahanggang-ngayon ay wala pa ring naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang komunidnad dahil sa pagiging disiplinado ng mga ito sa pagsunod sa health protocols.

Gayunman, karamihan sa mga pasyente sa iba’t ibang komunidad sa Davao ang pumipila sa mga ospital para mabigyang-lunas.

“There is a need for testing kits at the ground level. PPEs should be provided to all health workers from the community front line to the hospital workers. Health protocols and adherence to quarantine measures should be followed,” ayon kay Lindo.

Patuloy pa ring nadaragdagan ang bilang ng mga medical frontliners sa bansa na nagbibitiw sa kanilang mga pwesto dahil sa hirap na dinaranas sa mga ospital bunsod ng patuloy na kaso ng mga nahahawaan ng COVID-19 at kakulangan sa ibinibigay na karampatang benepisyo mula sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,941 total reads

 73,941 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,430 total reads

 152,430 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,878 total reads

 185,878 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,175 total reads

 221,175 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,704 total reads

 444,704 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,635 total reads

 157,635 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top