Mamamayan ng Bohol, pinakikilos ng Obispo laban sa dengue

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,026 total reads

Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang pagtutulungan ng mamamayan upang maligtas sa banta ng tumataas na kaso ng dengue sa Bohol.

Ang panawagan ni Bishop Uy ay matapos ideklara ang dengue outbreak sa buong lalawigan bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso na umabot na sa higit 450-porsyento mula noong Enero.

“A Dengue Outbreak has been declared in Bohol. Let’s join forces to keep ourselves safe,” ayon kay Bishop Uy.

Batay sa tala ng Bohol Provincial Health Office, umabot na sa higit 5,800 ang dengue cases sa lalawigan mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, mas mataas ng 451.4 percent kumpara sa 971 kaso sa kaparehong panahon noong 2023.

Ang dengue ay nakukuha mula sa infected na lamok o aedes aegypti na nangingitlog sa mga lugar na mayroong nakaimbak na tubig, at karaniwang dinadapuan ay mga bata at sanggol.

Ilan sa mga karaniwang sintomas nito ang pabalik-balik na lagnat, pagsakit ng ulo, rashes, at pananakit at panghihina ng katawan.

Paalala naman ng Department of Health ang pagsunod sa 5S strategy, na suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok; sarili ay pangalagaan laban sa lamok; sumangguni sa pinakamalapit na pagamutan; suportahan ang pagpapausok kapag lamang may banta ng outbreak; at sustain hydration.

Una nang pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na huwag balewalain sakaling magkaroon ng anuman sa mga sintomas ng dengue, at sa halip ay agad na magpakonsulta upang malapatan ng karampatang lunas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,878 total reads

 127,878 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 264,788 total reads

 264,788 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 380,563 total reads

 380,563 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 495,733 total reads

 495,733 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 244,598 total reads

 244,598 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top