Mamamayang Pilipino, inaanyayahan sa PACOM 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,232 total reads

Inaanyayahan ni Divine Mercy 101 writer-producer and author Fr. Chris Alar, MIC ang kasalukuyang Provincial Superior ng Marian Fathers of the Immaculate Conception ang mga Pilipino sa ikalimang Philippine Apostolic Congress on Mercy o PACOM 2025.

Ayon sa pari magandang pagkakataon ito upang pagpanibaguhin at paigtingin ang pananampalataya sa diwa ng habag at awa ng Panginoon.

Hinimok ng Pari ang mananampalataya na samantalahin ang pagkakataon lalo’t isinasagawa ang PACOM tuwing ikatlong taon lamang.

“This congress will bless you and strengthen your mission, it is renewing our faith in the mercy of God growing deeper in hope and learning how-to live-in mercy in our daily lives,” bahagi ng pahayag ni Fr. Alar.

Binigyang diin ni Fr. Alar na ang PACOM 2025 ay hindi lamang payak na pagtitipon ng mga deboto sa Banal na Awa kundi paanyaya ng higit na pagpapayabong ng misyong ipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa buong pamayanan.

“PACOM 2025 is more than just a conference, it’s a celebration to honor the past, rejoice in the present and be sent forth merciful love wherever we go in the future,” dagdag pa ni Fr. Alar.

Tinuran din ng pari ang mga magbibigay ng panayam sa tatlong araw na congress na makatutulong sa pagpalalim ng kamalayan at pang-unawa hinggil sa habag at awa ng Panginoon bilang ‘lifeline of souls’ ng sangkatauhan.

Itinakda ang PACOM 2025 sa August 28 hanggang 30 sa University of Southeastern Philippine Gymnasium sa Davao City kung saan inaasahan ang pakikilahok ng 3, 000 hanggang 5, 000 deboto.

Una nang hiniling ni WACOM Espiscopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mananampalataya ang pakikiisa at suporta sa PACOM 2025 na isang natatanging panahon para magbuklod ang mga deboto ng Divine Mercy para sa pagninilay at pagpapanibago.

Maaring bisitahin ang Facebook Page na PACOM 2025 kung saan mayroong itong registration fee na P4, 500 para sa conference kit at maaring magpadala sa pamamagitan ng BPI sa account name Apostolates of Mercy Archdiocese of Davao, account number 2883-0782-52.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 11,931 total reads

 11,931 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,058 total reads

 12,058 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 21,899 total reads

 21,899 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 78,305 total reads

 78,305 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 201,806 total reads

 201,806 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,077 total reads

 286,077 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top