Mambabatas na yes sa death penalty, nabahiran ng dugo sa kamay.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Hindi makaliligtas sa hukuman ng Panginoon ng buhay ang mga mambabatas na bumoto sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, chairman ng CBCP NASSA / Caritas Philippines matapos maipasa sa 2nd reading ang House Bill 4727 o panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan kaalinsabay ng Ash Wednesday na hudyat rin ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.

Iginiit ng Arsobispo na hindi katanggap-tanggap ang pananaig ng “viva voice” pabor sa parusang kamatayan.

Ayon kay Archbishop Tirona, kung tuluyang maibalik ang parusang kamatayan ay maituturing na may mga dugo at buhay na ring kinitil ang mga mambabatas na bumoto pabor sa panukalang batas.

Ikinalulungkot ng pinuno ng social arm ng C-B-C-P na isinantabi ng mga Kongresista ang kapakanan at dignidad ng tao para sundin ang dikta ng kanilang boss.

“Hindi lang natin ikinalulungkot yan talagang ikinagagalit din natin, ang masasabi ko lang kung merong executions may mga dugo yung mga kamay ng mga bumoto diyan para sa death penalty at hindi sila makakatakas sa hukuman ng Panginoon ng buhay, kasama na doon yung sinasamba nilang amo. Kaya alam mo ito ay idinadaan nila sa game of numbers, so mas mahalaga talaga sa kanila yung boss nila kesa sa kapakanan at dignidad ng tao. Pero magdasal tayo na ang tagumpay ng katarungan ay lalabas at lalabas yan.”pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam ng Radio Veritas

Sa ika-8 ng Marso 2017, pagbobotohan ng mga Kongresista sa 3rd at final reading ang panukalang batas.

Dahil dito, muling nanawagan si Archbishop Tirona ng pananalangin mula sa mga mananampalataya upang ganap na manaig sa mga mambabatas ang kanilang konsensiya para sa tunay na katarungang panlipunan.

Samantala, noong 2015 batay sa datos ng Amnesty International, umabot sa 1,634 ang napatawan ng parusang kamatayan mula sa 25 mga bansa na mas mataas ng 50-porsiyento sa naitala noong 2014.

Sa tala 90-porsiyento nito ay naganap sa mga bansang Iran, Pakistan at Saudi Arabia.(Reyn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,588 total reads

 21,588 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,334 total reads

 58,334 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,604 total reads

 284,604 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,071 total reads

 178,071 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,940 total reads

 270,940 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top