Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Manaig nawa ang pagkakasunduan at pagdadamayan sa kabila ng ating mga hidwaan,” – Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 734 total views

Maging daluyan ng buhay, pagkakaisa, at tanda ng pag-aaruga katulad ng katangian ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang tagubilin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa kanyang pagninilay para sa Pontifical Coronation ng Nuestra Señora del Santisimo Rosario de Cardona o La Virgen de Sapao sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Holy Rosary sa Cardona, Rizal.

Ang pagpuputong ng korona ay kasabay ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo nitong October 7, 2022 at pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng diocesan shrine bilang parokya.

Ayon kay Cardinal Advincula, kabilang sa mga mahahalagang katangian ni Maria ang pagbibigay-buhay at pagkalinga na magandang tularan ng bawat isa upang magsilbing liwanag at pag-aaruga sa kapwa lalo na sa panahon ng kadiliman at pagdurusa ng buhay.

“Tulungan natin at damayan ang ating kapwa. Nawa ang ating pagdedebosyon ay dumaloy patungo sa pagkakawanggawa at paglingap sa kapwa, lalo na ang mga sawi at lubos na nangangailangan. Maging daan nawa tayo ng pag-aaruga sa isa’t isa, katulad ni Maria na Reynang kumakalinga,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Nabanggit din ng Kardinal ang pagbubuklod na isa sa patuloy na ginagampanan ng Mahal na Birheng Maria upang magkaisa ang mga Kristiyano lalo na sa mga pagkakataon ng pagsubok.

Inihalimbawa ni Cardinal Advincula ang naganap na EDSA People Power Revolution noong 1986 kung saan naging gabay si Maria ng mamamayan na makamtan ang mapayapang pagbabago sa bansa.

“Manaig nawa ang pagkakasunduan at pagdadamayan sa kabila ng ating mga hidwaan sa pulitika at ekonomiya. Sa ating mga pamilya at pamayanan, lalo na dito sa ating Dambana, buksan natin ang ating mga puso at pintuan upang lahat ay makiisa sa ating sambayanan, upang ang lahat ay makasali, at makasali ang lahat,” ayon sa Kardinal.

Samantala, nagpapasalamat naman sina Diocese of Antipolo Bishop Francisco de Leon at Diocesan Shrine Rector Fr. Bienvenido Guevara sa mga nakatuwang at naging daan upang maging makabuluhan at matagumpay ang Pontifical Coronation ng La Virgen de Sapao.

Kabilang din sa mga nakiisa sa makasaysayang pagdiriwang si Antipolo Auxiliary Bishop Noli Buco, mga pari at layko ng Diyosesis, at mga mananampalataya mula sa iba’t ibang lugar.

Nobyembre 2021 nang tanggapin ng Congregation for Divine Worship and Discipline of the Sacraments ang petisyon para sa Pontifical Coronation ng Patrona ng Cardona.

Enero 12, 2022 naman nang aprubahan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dekreto ng pagkilala ng simbahang katolika sa imahe upang gawaran ng coronacion canonica.

Habang iginawad naman ni Bishop de Leon ang titulong diocesan shrine sa parokya noong Oktubre 1, 2017, gayundin ang pagkakaloob sa imahen ng episcopal coronation noong Setyembre 27, 2018.

Ang La Virgen de Sapao ang ikalimang imahen ng Mahal na Birhen na nabigyan ng titulo para sa pontifical coronation sa Diyosesis ng Antipolo.

Kabilang sa mga binigyang pagkilala ng Vatican ang Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje (Antipolo City), Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina (Marikina City), Nuestra Señora de Aranzazu (San Mateo, Rizal), at, Nuestra Señora de la Luz (Cainta, Rizal).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,926 total views

 11,926 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,026 total views

 20,026 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,993 total views

 37,993 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 67,287 total views

 67,287 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,864 total views

 87,864 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,069 total views

 8,069 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,360 total views

 9,360 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,759 total views

 14,759 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,743 total views

 16,743 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top