Mananampalataya, hinimok na bisitahin ang Papal Visit Memorabilia exhibit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,268 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng Minor Basilica of the Immaculate Conception Cathedral o Manila Cathedral ang mananampalataya na bisitahin ang exhibit tampok ang iba’t ibang memorabilia mula sa mga nagdaang Papal Visit sa bansa.

Ito ay ang The Popes in the Philippines: Papal Visit Memorabilia Exhibit na matatagpuan sa Blessed Souls Chapel sa loob ng Manila Cathedral na magtatagal hanggang Linggo, July 2.

Ayon kay Manila Cathedral rector Msgr. Rolando dela Cruz, layunin ng exhibit na muling ipadama sa mga mananampalataya ang mga alaala nang bumisita ang mga Santo Papa na naghatid ng kagalakan at pagpapala sa sambayanang Pilipino.

“Why do we do these things? Because we would like to remember. And when we remember, we hope to revisit the joys and the graces that we received during those momentous events,” ayon kay Msgr. dela Cruz.

Makikita sa exhibit ang mga larawan, damit, at ilan pang ginamit noong bumisita sa bansa sina St. Paul VI noong 1970; St. John Paul II noong 1981 at 1995; at Pope Francis noong 2015.

Ang konsepto ng exhibit ay nagmula kay Manila Cathedral vice rector Fr. Fr. Vicente Gabriel Bautista bilang bahagi ng pagdiriwang ng Archdiocese of Manila sa Pope’s Day kasabay ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

Pinangunahan naman ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa exhibit kasama ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at si Msgr. dela Cruz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 94,955 total reads

 94,955 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 172,066 total reads

 172,066 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 205,514 total reads

 205,514 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 240,814 total reads

 240,814 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 463,657 total reads

 463,657 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,257 total reads

 158,257 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top