Mananampalataya, hinimok na maging sambayanang nanalanagin at nagbibigay buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,256 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na ang mga simbahan ay tanda ng pakikiisa at pakikilakbay ng Diyos kasama ang Kanyang bayan.

Ito ang naging mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Laterano (Feast of the Dedication of the Lateran Basilica) sa Roma noong Nobyembre 9.

Ayon kay Archbishop Uy, bawat bahay-dalanginan ay nagsisilbing kanlungan ng mga tao kung saan natatagpuan ang kapayapaan ng puso sa piling ng Panginoon.

“Whenever we enter a church, whether it’s a big cathedral or a small chapel, we are stepping into a space where heaven and earth meet, where God welcomes us home,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na bagaman mahalagang panatilihing malinis at maayos ang mga simbahan, higit na dapat ding pagtuunan ng pansin ng bawat isa ang paglilinis ng puso mula sa galit, kayabangan, kasakiman, at inggit, sapagkat ang puso ng tao ang tunay na templong pinanahanan ng Diyos.

“Each one of us is God’s temple. Our hearts are where God wants to live. The Church is not just made of stone or cement, it is made of people filled with faith,” dagdag pa ng arsobispo.

Hinikayat din ni Archbishop Uy ang mga mananampalataya na maging simbahang buhay o isang sambayanang nananalangin, naglilinis, at nagbibigay-buhay lalo na sa mga nangangailangan.

“Let’s be a Church that prays, purifies, and gives life,” panawagan ng arsobispo.

Ipinagdiriwang taun-taon tuwing Nobyembre 9 ang Kapistahan ng Pagtatalaga ng Lateran Basilica, hindi lamang upang gunitain ang isang makasaysayang gusali, kundi upang ipahayag na ang bawat simbahan ay tanda ng buhay na presensiya ng Diyos sa Kanyang bayan.

Ang Lateran Basilica sa Roma ang pinakamatandang simbahan at ang katedral ng Santo Papa bilang Obispo ng Roma. Ito rin ay kinikilala bilang “Mother Church of all churches in the world.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 45,506 total reads

 45,506 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 82,296 total reads

 82,296 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 115,598 total reads

 115,598 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 166,906 total reads

 166,906 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 228,535 total reads

 228,535 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top