Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya hinimok ng Obispo na sama-samang manindigan sa kasagraduhan ng buhay

SHARE THE TRUTH

 1,506 total views

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang taunang Walk for Life ay isang pambihirang pagkakataon upang maipamalas ng lahat ang sama-samang paninindigan sa kasagraduhan ng buhay.

Ito ang ibinahagi ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Vocations (ECV) kaugnay sa nakatakdang Walk for Life 2024 sa ika-17 ng Pebrero, 2024.

Ayon sa Obispo ang taunang gawain ay isang pagkakataon upang tuwinang maipamalas ng Simbahan ang pakikipaglakbay nito patungo sa iisang layunin na isulong ang karapatan, kasagraduhan at dignidad ng buhay ng bawat nilalang sa lipunan.

“Sana po ay maging opportunity ito yung Walk for Life, yung mission of accompaniment sa Simbahan. Ganyan naman talaga ang misyon ng Simbahan na ‘walk with’ not to be ahead, not to be behind but to walk with, at para sa akin ay isang pagkakataon ito na sabay sabay tumungo sa isang layunin na magkaroon ng buhay, makabuluhan na buhay ang lahat.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Gaa sa Radio Veritas.

Ang taunang Walk for Life ay unang isinagawa noong taong 2017 na dinadaluhan ng mga laiko mula sa iba’t ibang diyosesis at lay organization na isinasagawa din sa iba pang diyosesis sa buong bansa.

Napiliping tema ng “Walk for Life 2024” ang “Together, We Walk for Life” na nakatakda sa ika-17 ng Pebrero, 2024 mula alas-kwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga.

Magsisimula ang paglalakad para sa buhay sa Welcome Rotonda, Quezon City patungo sa University of Santo Tomas (UST) Grandstand sa España, Manila kung saan inaasahang pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng banal na misa.

Bukod kay Cardinal Advincula, inaasahan rin ang pakikibahagi sa nakatakdang Walk for Life 2024 nina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David; CBCP-Episcopal Commission on the Laity Chairman, Dipolog Bishop Severo Caermare; at Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silipin din ang DENR

 1,000 total views

 1,000 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 47,530 total views

 47,530 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 85,011 total views

 85,011 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 116,994 total views

 116,994 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 161,706 total views

 161,706 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 11,683 total views

 11,683 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 22,025 total views

 22,025 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top