12,701 total views
Inaanyayahan ni Claretian Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang mananampalataya na makibahagi sa ikalawang Conference on Mary sa May 1, 2025.
Ayon sa obispo makabuluhan ang pagtitipon dahil makatutulong ito sa pagpapalalim sa pnag-unawa sa kahalagahan ng tungkulin ng Mahal na Birhen sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Pagninilayan sa ConMariaPH ang temang’Magnificat: Mary’s Manifesto of Hope’ na nababatay din sa pagdiriwang ng simbahan ng Jubilee Year Pilgrims of Hope.
“The conference offers a meaningful opportunity to the Catholic faithful and communities – parishioners, students, clergy, and members of institutes of consecrated life – to deepen their understanding of Mary’s vital role in the history of salvation,” bahagi ng paanyaya ni Bishop Ayuban.
Kabilang sa mga magbibigay ng panayam sa ConMariaPH sina Fr. Rogie Castellano, CP sa paksang ‘Healing Hearts: Embracing the Motherhood of Mary’, Fr. James Cervantes, MIC sa paksang ‘The Fiat of Mary: the Fulfillment of God’s Promise’, Fr. Sherwin Nuñez, SMM sa paksang ‘Mary’s Magnificat: A Hymn of Hope,’ habang magsisilbing synthesizer naman si Tinnah Dela Rosa.
Sinabi ni Bishop Ayuban na tampok sa pagtitipong maipamalas sa mananampalataya ang malalim at matapat na pananampalataya ng Mahal na Ina sa Panginoon na sa kabila ng mga agam-agam ay buong pusong sumunod sa kalooban ng Diyos.
“It will highlight her enduring faith, hope, and trust in God’s promises and inspire participants to grow spiritually as beacons of hope and compassion, ever committed to God’s call,” ani Bishop Ayuban.
Isasagawa ang Conference on Mary sa Fr. Rhoel Gallardo Hall, Claret School of Quezon City sa pagsisimula ng buwan ng Mahal na Birhen sa alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Sa mga dadalo ng face-to-face magkakaroon ng P650 registration fee para sa conference kit, pagkain at certificate habang ang P500 naman sa dadalo online via zoom.
Ang ConMariaPH ay inisyatibo ng Prefecture of Communications of the Claretian Missionaries of the Fr. Rhoel Gallardo Province, sa pamamagitan ng Claretian Communications Foundation, Inc.
Sa mga nais lumahok sa pagtitipon makipag-ugnayan kay Analyn Dayandante sa telepono 8921 – 3984 local 103.