Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 126,622 total reads

Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding.

Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo.

Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala sa mga bahay at gusali.

“Totoong napakahirap, nabagabag ang lahat at nababalitaan kong maraming property damage kaya pasalamat tayo sa Diyos pero gayunpaman ang importante yung tulad ng ating karanasan na pagtutulungan at pagdadamayan ang siyang makakatulong sa ating pagharap sa pagsubok para sa ating mga kapatid na nasalanta,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Bancud.

Ipinagpapasalamat din ni Bishop Bancud na sa ika-pito ng umaga ng September 26 walang ulat ng pagbaha at wala pang naiulat na nasasawi sa lalawigan.

Panalangin naman ng Obispo na biyayaan ng Panginoon ng katatagan ng loob ang bawat mamamayan sa lalawigan upang malampasan ang panibagong pagsubok na idinulot ng Bagyong Karding

“Aking panalangin para sa ating lahat at harinawa yung ating pagkakaisa, pagdadamayan at pagtutulungan ang siyang magbigay ng tibay ng kalooban na makaya nating malampasan ang lahat ng mga ito,” ayon sa pananalangin ni Bishop Bancud.

Iniulat naman sa Radio Veritas ni Fr. Boyet Valenzuela na partially damage ng bagyong Karding ang General Nakar ngunit mas matindi ang pinsala ang iniwan sa isla ng Burdeos.

Inihayag naman ni Fr. Israel Gabriel, Social Action Director ng Prelatura ng Infanta na hindi labis na napinsala ng bagyo ang lalawigan ng Aurora.

“May mga natanggap na kaming initial reports from Dinalungan, Casiguran at Dilasag ito yun mga nasa pinaka-dulo ng Aurora at dito sa Central Aurora, hindi po apektado masyado ang lalawigan ng Aurora, nagkaroon lang ng pabugso-bugsong ulan pero hindi siya alarming na tulad ng dati,” mensahe ni Fr. Gabriel sa Radio Veritas

Sinabi ni Fr. Gabriel na magsasagawa sila ng rapid assessement sa Polilio island at iba pang lugar sa Quezon province sa pinsalang iniwan ng bagyong Karding.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 24,814 total reads

 24,814 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 47,733 total reads

 47,733 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 84,233 total reads

 84,233 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 304,858 total reads

 304,858 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 338,071 total reads

 338,071 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 234,792 total reads

 234,792 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 369,150 total reads

 369,150 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top