Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly, itinakda ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,507 total reads

Magbubuklod ang Archdiocese of Manila upang talakayin at pagtibayin ang mga programa at hakbang sa pagpapalakas ng ebanghelisasyon, alinsunod sa ipinatutupad na Traslacion Roadmap.

Isasagawa ang Manila Archdiocesan Ecclesial Assembly (MAEA) 2026 sa February 9–10, 2026 sa The Fifth, Power Plant Mall, Makati City.

Muling iginiit ni Manila Chancellor Fr. Carmelo Arada Jr. ang paalala ni Cardinal Jose Advincula hinggil sa kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng mga pari, relihiyoso, at layko ng arkidiyosesis sa pagbalangkas ng mga programang tumutugon sa pastoral at espirituwal na pangangailangan ng mga nasasakupan.

“His Eminence Jose F. Cardinal Advincula earnestly reiterates the importance of the participation of all the priests in the Archdiocese of Manila. As he emphasized in his invitation letter, the participation of the clergy “is not merely organizational but deeply pastoral, witnessing to our shared responsibility in shepherding the People of God entrusted to our care,” ayon sa pahayag ni Fr. Arada.

Magsisimula ang pagtitipon alas-otso ng umaga sa February 9 sa banal na misa na pangungunahan ni Cardinal Advincula. Susundan ito ng mga talakayan sa mga paksang “Perspective Setting: The Archdiocesan Roadmap: Traslacion—Who, What, How? Moving Forward Together,” ulat sa “Salya at Otso,” at “Conversations in the Spirit: Balangayan.”

Sa ikalawang araw, magkakaroon ng pagtatanod ng Banal na Sakramento at “Conversations in the Spirit: Traslacion,” gayundin ng mga ulat mula sa iba’t ibang grupo hinggil sa naging talakayan sa bawat itinakdang paksa. Magtatapos ang pagpupulong sa banal na misa at Rite of Commissioning.

Makikiisa rin sa MAEA 2026 ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor at ang komunidad ng consecrated life.

Ayon kay Fr. Arada, layon ng pagtitipon na patibayin ang ugnayan ng pamayanan tungo sa iisang hangaring isang simbahang sinodal—naglalakbay nang magkakasama sa iisang misyon.

“The MAEA 2026 will be a sacred space where we “prayerfully discern, review, discuss, and strengthen our common pastoral direction and concretize synodality by bringing all voices—bishops, priests, religious, and laity—into listening, dialogue, and discernment,” ayon sa pari.

Para sa mga nais makibahagi, makipag-ugnayan sa RCAM – Office for Strategic Management sa (02) 8527-3920 o 0925-490-4673, at hanapin si Bert Abelgas.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 4,369 total reads

 4,369 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 6,586 total reads

 6,586 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 6,460 total reads

 6,460 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 18,940 total reads

 18,940 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 68,324 total reads

 68,324 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 90,414 total reads

 90,414 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 190,235 total reads

 190,235 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 222,477 total reads

 222,477 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top