Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mataas na buwis sa luxury goods, suportado ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 5,036 total views

Nagpahayag ng suporta ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa panukalang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga luxury goods upang mapataas ang kita ng pamahalaan mula sa mga mayayaman sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga mamahaling bagay ay isang magandang paraan upang mapataas ang kita sa buwis ng bansa ng hindi naaapektuhan ang mga simpleng mamamayan na sapat lamang ang kinikita sa araw-araw.

Ipinakiwanag ng Obispo, na ang pagpapataw ng mataas na buwis sa mga luxury items ay makakaapekto lamang sa mga mayayaman na kayang bumili ng iba’t ibang mga bagay.

“Higher taxes on luxury items can generate revenue without unduly affecting low-income individuals. Since these luxuries are also unnecessary, those who can afford them will be less affected by the increased costs.” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na maaaring magsilbing daan ang panukala upang matugunan ang income inequality sa lipunan.

Umaasa naman ang Obispo na gamitin ng pamahalaan ang malilikom na pondo mula sa panukalang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa pagpapaigting ng mga programa at serbisyo sa publiko.

“The higher tariffs can be a way to reduce income inequality and provide more funding for government programs and services, like state health facilities, farm-to-market roads, and classrooms.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Naniniwala naman si Caritas Philippines Executive Director Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. na kaakibat ng nasabing panukala ang pagtiyak sa pagkakaroon ng transparency sa kung magkano ang malilikom na buwis at saan ito ilalaan ng pamahalaan.

Ayon sa Pari, dapat na malaman ng bawat Filipino kung saan napupunta ang kanilang buwis na bahagi ng kanilang pinaghirapang pagtrabaho.

Giit ni Fr. Labiao, naaangkop lamang na gamitin ng pamahalaan ang buwis ng taumbayan para sa mga pro-poor program, edukasyon at health care sector.

“There should always be transparency about how taxes are collected and used, and Filipinos should have access to information on the taxes they are paying. Additionally, taxes must be used to fund programs and services that are responsive to the basic needs of the citizens, like education, healthcare, and poverty reduction.” ayon kay Fr. Labiao.

Ang naturang panukala ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means ay hango sa naging panawagan at talakayan sa naganap na World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland kung saan hinimok ang bawat bansa na magpataw ng wealth taxes sa mga mayayaman.

Batay sa pinakahuling pagsusuri ng Oxfam, ang taglay na kayamanan ng siyam na pinakamayamang Filipino sa bansa ay katumbas ng pinagsama-samang yaman ng 55-milyong Filipino na sumasalamin sa umiiral na ‘inequality’ sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 14,053 total views

 14,053 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 28,764 total views

 28,764 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 41,622 total views

 41,622 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 115,840 total views

 115,840 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 171,494 total views

 171,494 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567