Matatag na pamilya, wawasakin ng divorce

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,594 total reads

Muling binigyang diin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na hindi tugon ang diborsyo o paghihiwalay sa hindi pagkakasundo at hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa.

Ito ang iginiit ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla kaugnay sa pag-usad sa House Plenary ng Absolute Divorce Bill.

Ayon kay Padilla, sa halip na diborsyo o paghihiwalay ay maraming mga paraan upang masolusyunan ang hindi pagkakaunawaan at problema ng mag-asawa.
Inihalimbawa ni Padilla ang marriage counseling at family counseling kung saan binibigyan ng gabay ang mga mag-asawa para sa mapayapang pagsasaayos ng problema at hindi pagkakasundo upang mapatatag ang sinumpaang kasal sa harapan ng Diyos at ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Kapag kasal na kayo we also have remedies for that counseling, marriage counseling, family counseling so divorce is not the answer, it’s not the immediate answer maraming din ways to be able to fix that marriage that was solemnize under God in front of many witnesses.” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag din ni Padilla na kinakailangang magkaroon ng naaangkop na paghahanda o marriage preparation ang magkasintahan bago tuluyang magpakasal upang ganap na makilala at maunawaan ang isa’t isa.

Tiniyak naman ng pangulo ng SLP na maraming organisasyon at grupo ng mga layko ang maaring makatulong sa pagkakaloob ng marriage preparation sa mga nagnanais na magpakasal upang magabayan ang kanilang pag-iisang dibdib at pagsasama bilang mag-asawa.

“We need to have marriage preparation, marriage is not something na papasok ka lang tapos hindi ka nagprepare, kailangan you need to know kung compatible kayo, you need to know kung ano yung mga stands niyo on certain issues and there’s so many ways na LAIKO can help with that. Marami tayong mga organizations, marami tayong mga formation programs na hindi lang pang [Class] A B C kasi yung class A B C yun yung talagang nagmi-marriage preparation pero we can also reach all classes, all Pilipinos regardless of social class and teach them marriage preparation.” Dagdag pa ni Padilla.

Naunang iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi solusyon sa mga problema at hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ang paghihiwalay o diborsyo na siyang magpapahina sa pundasyon ng pagkatao ng mga batang mayroong magkahiwalay na magulang.

Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang sakramento ng kasal ay hindi lamang isang malalim na tanda o kahulugan ng pagsasama ng mag-asawa sa halip ay nagbibigay ng katangi-tanging grasya o biyaya ng Diyos upang magampanan ng mag-asawa ang kanilang tungkulin sa pamilya at sa lipunan.

Kaugnay nito kabilang ang diborsyo sa itinuturing ng Simbahang Katolika na Death Bills na mga panukalang batas na labag sa utos ng Diyos at taliwas sa misyon na iniatang sa Simbahan para sa pagpapatibay ng pundasyon at kasagraduhan ng buhay at pamilya.

Sa kasalukuyan tanging sa Pilipinas at Vatican City na lamang walang umiiral na batas na nagpapahintulot ng diborsyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 115,611 total reads

 115,611 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 149,845 total reads

 149,845 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 183,976 total reads

 183,976 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 240,380 total reads

 240,380 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 34,865 total reads

 34,865 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top