Matatag na pananampalataya ng mga Katoliko sa Marawi, pinuna ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 309 total views

Pinuri ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang matibay na pananampalataya ng mga Katoliko sa Marawi City matapos ang kanyang pagbisita sa mga guho ng St. Mary’s Cathedral na lubhang napinsala sa Marawi Siege noong 2017.

Kasama nina Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Marawi Bishop Edwin dela Peña, binisita ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang lungsod noong July 10, kasunod ng pagtatapos ng ika-132 plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Ozamiz City.

Ikinalugod ni Archbishop Brown na makita ang matatag na pananampalataya ng maliit na komunidad ng mga Kristiyanong nananatili sa Marawi sa kabila ng matinding pagsubok na pinagdaanan.

“It was beautiful to see the perseverance, love, and humility of the Catholics in Marawi,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Ayon sa nuncio, lubhang nakaaantig ang kanilang sama-samang pananalangin sa loob ng wasak na St. Mary’s Cathedral, kung saan tanging mga pader na lamang ang nakatayo matapos itong mapinsala sa limang-buwang digmaan sa lugar.

“We visited the remains of the old cathedral, which was destroyed during the 2017 military conflict. We went into the cathedral, which has no roof—only the walls are left. Everything was destroyed,” dagdag ng nuncio.

Aniya, lalo pang naging makahulugan ang pagdalaw ng awitin ng lokal na pamayanan, ang awiting Be Not Afraid, na sumasalamin sa matibay na pag-asa ng mga Kristiyanong nananatiling tapat sa kanilang pananampalataya.

“We all prayed there in the ruins of the cathedral. It was quite moving… They sang ‘Be Not Afraid.’ It was a beautiful witness to the perseverance of the Christians there, who have suffered a great deal over these years,” giit ni Archbishop Brown.

Kinilala rin ni Archbishop Brown ang mabigat na kalagayang patuloy na hinaharap ng mga Kristiyano sa Marawi, kung saan marami ang nasawi at napilitang lumikas dahil sa armadong tunggalian.
Sinabi rin ng nuncio na bagama’t nananatiling hamon ang muling pagbangon ng komunidad, naniniwala itong posible ang mapayapang pamumuhay ng mga Kristiyano at Muslim kung mananaig ang paggalang at pagkakaisa.

“Christians and Muslims absolutely can live in peace and harmony if they want to,” aniya.

Nagbabala rin si Archbishop Brown laban sa mga taong gumagamit ng hidwaan sa relihiyon para sa pansariling kapakinabangan.

Binigyang-diin ng kinatawan ng Santo Papa na ang kanyang pagbisita sa Marawi ay nagpatibay sa kanyang paniniwalang nananatiling buhay ang pag-asa sa kabila ng pagkawasak, dahil sa katatagan, pagmamahal, at kababaang-loob na ipinamalas ng mga mananampalataya.

Patuloy na umaapela ang simbahan sa Pilipinas na suportahan ang mga hakbang sa muling pagtatayo ng prelatura, lalo na sa kasalukuyang pro-cathedral sa Balo-i, Lanao del Norte.

Kasalukuyang umiikot sa mga arkidiyosesis sa bansa ang patrona ng Marawi, ang Mary Help of Christians, sa isinasagawang Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi kung saan katuwang ng prelatura ang Aid to the Church in Need Philippines na layong makalikom ng pondo para sa proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 176,982 total views

 176,982 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 207,205 total views

 207,205 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 233,851 total views

 233,851 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 328,824 total views

 328,824 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 338,377 total views

 338,377 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top