Matatag na paninindigan ng ICC sa katarungan, ikinagalak ng PAHRA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,070 total reads

Ikinagalak ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) na nagbabasura sa apela ng gobyerno ng Pilipinas upang itigil ang pag-iimbestiga sa marahas na war on drugs sa bansa.

Ayon sa human rights group, naaangkop lamang ang paninindigan ng ICC upang bigyang katarungan ang lahat ng mga biktima ng ‘war on drugs’ ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“The Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) welcomes the decision of the International Criminal Court Appeals Chamber in rejecting the appeal of the Philippine government to cease its investigation into the “war on drugs” waged by former President Rodrigo Duterte’s administration.” bahagi ng pahayag ng PAHRA.

Sinabi ng PAHRA na ang naging desisyon ng ICC ay maituturing na isang panalo para sa mga pamilya na naulila ng war on drugs na matagal ng naghahangad ng katarungan.

Naniniwala din ang PAHRA na kaakibat ng nasabing desisyon ng International Criminal Court (ICC) ang isang matibay na mensahe at paalala sa kaakibat na kaparusahan ng paglabag sa karapatang pantao sa lipunan.

“The decision is another significant victory for the victims of the drug war killings in seeking justice and for the ICC’s efforts to hold perpetrators of crimes against humanity accountable. It also sends a strong message to governments around the world that they cannot violate international law with impunity.” Dagdag pa ng PAHRA.

Matatandaang Enero ng kasalukuyang taon ng unang binigyan ng awtorisasyon ang pagpapatuloy sa imbestigasyon makaraang madismaya ang ICC sa ginagawang inisyatibo ng gobyerno ng Pilipinas na sariling imbestigasyon sa libu-libong kaso ng pagpatay dulot ng kampanya sa iligal na droga.

Sa opisyal na tala ng pamahalaan aabot lamang sa 6,200 ang nasawi sa mga isinagawang police operations sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte, na taliwas sa tala ng mga human rights groups sa bansa na aabot sa 20,000 hanggang 30,000.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 182,959 total reads

 182,959 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 211,835 total reads

 211,835 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 245,956 total reads

 245,956 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 302,361 total reads

 302,361 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 41,222 total reads

 41,222 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top